Sa simula pa lang, binuo namin ang WhatsApp para tulungan kang patuloy na makipag-ugnayan sa mga kaibigan, makapagbahagi ng mahahalagang impormasyon sa panahon ng mga natural na kalamidad, makipag-ugnayang muli sa mga nawalay na kapamilya, o magkaroon ng mas magandang buhay. Nakabahagi sa WhatsApp ang ilan sa iyong pinakapersonal na moment, kaya naman binuo namin ang magkabilaang encryption sa aming app. Sa pamamagitan ng magkabilaang encryption, secured mula sa masasamang loob ang iyong mga mensahe, larawan, video, voice message, dokumento, at tawag.
Ginagamit ang magkabilaang encryption ng WhatsApp kapag nagpadala ka ng mensahe sa ibang tao gamit ang WhatsApp Messenger. Tinitiyak ng magkabilaang encryption na ikaw lang at ang kausap mo ang makakabasa o makakarinig sa kung ano ang ipinapadala, at wala nang iba pa, kahit na ang WhatsApp. Ito ay dahil sa magkabilaang encryption, secured ang iyong mga mensahe sa pamamagitan ng isang lock, at ikaw lang at ang tatanggap ang may hawak sa espesyal na key na kailangan para ma-unlock at mabasa ang mga iyon. Awtomatikong nangyayari ang lahat ng ito: wala ka nang kailangang i-on na mga setting o i-set up na mga espesyal na lihim na chat para ma-secure ang iyong mga mensahe.
Ang bawat mensahe ng WhatsApp ay protektado ng parehong Signal encryption protocol na nagse-secure ng mga mensahe bago ipadala ang mga mensahe mula sa iyong device. Kapag nagpadala ka ng mensahe sa isang WhatsApp business account, secure na inihahatid ang iyong mensahe sa destinasyong pinili ng business.
Ikinokonsidera ng WhatsApp ang mga pakikipag-chat sa mga business na gumagamit ng WhatsApp Business app o namamahala at nagso-store ng mga mensahe ng customer bilang encrypted nang magkabilaan. Kapag natanggap na ang mensahe, mapapailalim ito sa mga sariling kasanayan ng business sa privacy. Puwedeng magtalaga ang business ng ilang empleyado, o kahit ibang vendor, para iproseso at sagutin ang mensahe.
Mapipili ng ilang business1 ang parent company ng WhatsApp na Meta para secure na mag-store ng mga mensahe at sumagot sa mga customer. Puwede kang makipag-ugnayan sa business na iyon anumang oras para matuto pa tungkol sa mga kagawian nito sa privacy.
Ang mga pagbabayad sa WhatsApp, na available sa mga piling bansa, ay nagbibigay-daan sa mga transfer sa pagitan ng mga account at pinansyal na institusyon. Sino-store nang naka-encrypt ang mga card at bank number at nasa isang ganap na secured na network ang mga ito. Gayunpaman, dahil hindi makakapagproseso ng mga transaksyon ang mga pinansyal na institusyon nang hindi nakakatanggap ng mga impormasyong nauugnay sa mga pagbabayad na ito, hindi encrypted nang magkabilaan ang mga pagbabayad na ito.
Gustong tiyakin ng WhatsApp na alam mo kung ano ang nangyayari sa iyong mga mensahe. Kung ayaw mong makatanggap ng mga mensahe mula sa ibang tao o business, puwede mo silang i-block anumang oras mula mismo sa chat o i-delete sila sa iyong listahan ng mga contact. Gusto naming matiyak na nauunawaan mo kung paano pinapangasiwaan ang iyong mga mensahe at mayroon ka ng mga opsyon na kailangan mo para makagawa ng mga tamang desisyon.
Sa pamamagitan ng WhatsApp Calling, pribado mong nakakausap ang iyong mga kaibigan at kapamilya, kahit na nasa ibang bansa sila.
Sino-store ang mga mensaheng encrypted nang magkabilaan sa iyong device at hindi sa mga server ng WhatsApp pagkatapos ihatid ang mga ito.
Hinahayaan ka ng WhatsApp na tingnan kung encrypted nang magkabilaan ang mga tawag at mensaheng ipinapadala mo. Hanapin lang ang palatandaan sa mismong chat o sa contact info o business info.
Magbasa ng isang in-depth na technical na paliwanag ng magkabilaang encryption ng WhatsApp, binuo sa pakikipagtulungan sa Open Whisper Systems.
Tingnan ang Mga Advisory sa Security para sa mga regular na update sa security.
1 Sa 2021.