Pumili ng Wika
  • azərbaycan
  • Afrikaans
  • Bahasa Indonesia
  • Melayu
  • català
  • čeština
  • dansk
  • Deutsch
  • eesti
  • English
  • español
  • français
  • Gaeilge
  • hrvatski
  • italiano
  • Kiswahili
  • latviešu
  • lietuvių
  • magyar
  • Nederlands
  • norsk bokmål
  • o‘zbek
  • Filipino
  • polski
  • Português (Brasil)
  • Português (Portugal)
  • română
  • shqip
  • slovenčina
  • slovenščina
  • suomi
  • svenska
  • Tiếng Việt
  • Türkçe
  • Ελληνικά
  • български
  • қазақ тілі
  • македонски
  • русский
  • српски
  • українська
  • עברית
  • العربية
  • فارسی
  • اردو
  • বাংলা
  • हिन्दी
  • ગુજરાતી
  • ಕನ್ನಡ
  • मराठी
  • ਪੰਜਾਬੀ
  • தமிழ்
  • తెలుగు
  • മലയാളം
  • ไทย
  • 简体中文
  • 繁體中文
  • 日本語
  • 한국어
  • WhatsApp Web
  • Mga Feature
  • I-download
  • Security
  • FAQ
  • I-download
  • Mga Feature
  • Security
  • FAQ
  • Makipag-ugnayan

Security ng WhatsApp

Nasa DNA na namin ang Privacy at Security

Sa simula pa lang, binuo namin ang WhatsApp para tulungan kang makaugnay sa mga kaibigan, makapagbahagi ng mahahalagang impormasyon sa panahon ng mga natural na kalmidad, pag-ugnaying muli ang mga nagkawalay na pamilya, o magkaroon ng mas magandang buhay. Ang ilan sa mga pinakapersonal mong sandali ay naibahagi sa pamamagitan ng WhatsApp, kaya naman ginawan namin ng magkabilaang encryption ang aming app. Sa pamamagitan ng magkabilaang encryption, secured ang iyong mga mensahe, larawan, video, voice message, dokumento, at tawag sa masasamang loob.

Personal na Pagmemensahe

Ginagamit ang magkabilaang encryption ng WhatsApp kapag nagpadala ka ng mensahe sa ibang tao gamit ang WhatsApp Messenger. Tinitiyak ng magkabilaang encryption na ikaw lang at ang kausap mo ang makakabasa o makakarinig sa kung ano ang ipinapadala, at wala nang iba pa, kahit na ang WhatsApp. Ito ay dahil sa magkabilaang encryption, secured ang iyong mga mensahe sa pamamagitan ng isang lock, at ikaw lang at ang tatanggap ang may hawak sa espesyal na key na kailangan para ma-unlock at mabasa ang mga iyon. Awtomatikong nangyayari ang lahat ng ito: wala ka nang kailangang i-on na mga setting i-set up na mga espesyal na lihim na chat para ma-secure ang iyong mga mensahe.

Pagmemensahe sa Business

Ang bawat mensahe ng WhatsApp ay protektado ng parehong Signal encryption protocol na nagse-secure ng mga mensahe bago ipadala ang mga mensahe mula sa iyong device. Kapag nagpadala ka ng mensahe sa isang WhatsApp business account, secure na inihahatid ang iyong mensahe sa destinasyong pinili ng business.

Ikinokonsidera ng WhatsApp ang mga pakikipag-chat sa mga business na gumagamit ng WhatsApp Business app o namamahala at nagso-store ng mga mensahe ng customer bilang encrypted nang magkabilaan. Kapag natanggap na ang mensahe, mapapailalim ito sa mga sariling kasanayan ng business sa privacy. Puwedeng magtalaga ang business ng ilang empleyado, o kahit ibang vendor, para iproseso at sagutin ang mensahe.

Mapipili ng ilang business1 ang parent company ng WhatsApp na Facebook para secure na i-store ang mga mensahe at sumagot sa mga customer. Puwede kang makipag-ugnayan sa business na iyon anumang oras para matuto pa tungkol sa mga kasanayan nito sa privacy.

Mga Pagbabayad

Ang mga pagbabayad sa WhatsApp, na available sa mga piling bansa, ay nagbibigay-daan sa mga transfer sa pagitan ng mga account at pinansyal na institusyon. Sino-store nang naka-encrypt ang mga card at bank number at nasa isang ganap na secured na network ang mga ito. Gayunpaman, dahil hindi makakapagproseso ng mga transaksyon ang mga pinansyal na institusyon nang hindi nakakatanggap ng mga impormasyong nauugnay sa mga pagbabayad na ito, hindi naka-encrypt nang magkabilaan ang mga pagbabayad na ito.

Ikaw ang may kontrol

Gustong tiyakin ng WhatsApp na alam mo kung ano ang nangyayari sa iyong mga mensahe. Kung ayaw mong makatanggap ng mga mensahe mula sa ibang tao o business, puwede mo silang i-block anumang oras mula mismo sa chat o i-delete sila sa iyong listahan ng mga contact. Gusto naming matiyak na nauunawaan mo kung paano pinapangasiwaan ang iyong mga mensahe at may mga opsyon ka na kailangan mo para makagawa ng mga tamang desisyon.

Magsalita nang Malaya
Sa pamamagitan ng WhatsApp Calling, pribado mong nakakausap ang iyong mga kaibigan at kapamilya, kahit na nasa ibang bansa sila.
Mga Mensaheng Nananatili sa Iyo
Sino-store ang mga mensaheng magkabilaang naka-encrypt sa iyong device at hindi sa mga server ng WhatsApp pagkatapos ihatid ang mga ito.
Tingnan nang Malaman
Hinahayaan ka ng WhatsApp na tingnan kung naka-encrypt nang magkabilaan ang mga tawag at mensaheng ipinapadala mo. Hanapin lang ang palatandaan sa mismong chat o sa contact info o business info.
Alamin ang Mga Detalye

Basahin ang isang detalyadong teknikal na paliwanag tungkol sa magkabilaang encryption ng WhatsApp, na na-develop sa pakikipagtulungan ng Open Whisper Systems.

Tingnan ang Mga Advisory sa Security para sa mga regular na update sa security.

1 Sa 2021.

WhatsApp

  • Mga Feature
  • Security
  • I-download
  • WhatsApp Web
  • Business
  • Privacy

Kumpanya

  • Tungkol Dito
  • Mga Career
  • Brand Center
  • Makipag-ugnayan
  • Blog
  • Mga Kwentong WhatsApp

I-download

  • Mac/PC
  • Android
  • iPhone

Tulong

  • FAQ
  • Twitter
  • Facebook
  • Coronavirus
2021 © WhatsApp LLC
Privacy at Mga Tuntunin