Hindi namin makikita ang content ng mga personal na message dahil naka-encrypt nang end-to-end ang mga ito. Dagdag pa rito, hindi kami nagpapanatili ng mga log ng mine-message o tinatawagan ng lahat. Sa tingin namin ang pagpapanatili ng mga indibiduwal na rekord para sa tatlong bilyong user ay magiging masama para sa privacy at hindi namin ito ginagawa.
Mayroon kaming kakayahang maunawaan kung paano ginagamit ang aming mga feature para patuloy naming mapaganda ang mga ito, at nilalayon naming alisin ang mga personal na detalye kapag ginawa namin ito. Bumuo kami ng teknolohiya na nag-aalis ng mga personal na detalye na maaaring iugnay sa partikular na tao o phone number gaya ng ipinaliwanag dito.
Nagtatrabaho rin kami para makita ang spam o pang-aabuso sa pamamagitan ng advanced na mga automated system at report. Halimbawa, ang isang user na nagpapadala ng 1,000 message sa isang minuto ay malamang isang automated na spam account at gugustuhin naming i-ban ito sa paggamit ng WhatsApp. Sa pang-aabuso na tulad nito, may kakayahan kaming makita kung sino ang mine-message ng partikular na tao kapag natukoy ang problema.
Dahil may ganito kaming kakayahan, minsan nakakatanggap kami ng mga legal na utos para ibigay ang impormasyong ito. Malinaw kami sa kung paano kami tumutugon sa valid na mga request ng nagpapatupad ng batas at maaari mong malaman pa dito.