Mag-message nang pribado
Priyoridad namin ang privacy mo. Sa magkabilaang encryption, matitiyak mo na ang iyong mga personal na mensahe ay mananatiling sa pagitan mo at sa taong pinadalhan mo lang.

Priyoridad namin ang privacy mo. Sa magkabilaang encryption, matitiyak mo na ang iyong mga personal na mensahe ay mananatiling sa pagitan mo at sa taong pinadalhan mo lang.
Mananatiling sa inyo lang ang mga mensahe at tawag. Walang ibang makakabasa o makakarinig sa mga ito, kahit na ang WhatsApp.
Higit pa sa magkabilaang encryption, naglagay kami ng mga karagdagang layer ng proteksyon para sa lahat ng pakikipag-usap mo.
Makakapili ka kung ano ang ibabahagi mo, kung paano ka lumalabas online, o kung sino ang puwedeng makipag-usap sa 'yo.
Manatiling two steps ahead sa mga intruder Protektahan ang iyong account mula sa mga hacker at scammer na sumusubok na gamitin ang iyong phone number.
Sa mga nag-e-expire na mensahe, makokontrol mo kung aling mga mensahe ang mananatili at kung gaano katagal, sa pamamagitan ng pag-set up sa kanilang mag-expire pagkatapos mong ipadala ang mga ito.
Tapusin ang mga hindi gustong chat. Kung mine-message ka ng isang tao na ayaw mong ka-chat, i-block lang siya at titiyakin ng WhatsApp na hindi mo na matatanggap ang kanyang mga message o tawag.
Panatilihing pribado ang iyong mga online backup. I-on ang mga encrypted na back up para i-extend ang security ng magkabilaang encryption sa iyong mga mensahe na naka-save sa iCloud o Google Drive.
Piliing nakikita ng mga taong gusto mo lang. Puwede mong i-customize ang iyong privacy settings para piliin kung sino ang makakakita sa iyo kapag online ka, at kung kailan mo huling ginamit ang WhatsApp.