Lumaktaw papunta sa content
  • Home
    • Magmensahe nang pribadoManatiling konektadoBumuo ng komunidadI-express ang sarili moWhatsApp para sa business
  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
Mag-download
Mga Tuntunin ng Serbisyo2023 © WhatsApp LLC
Pangunahing Page ng WhatsAppPangunahing Page ng WhatsApp
    • Magmensahe nang Pribado

      Magkabilaang encryption at mga kontrol sa privacy.

    • Manatiling konektado

      Abutin ang mga customer mo sa buong mundo.

    • Bumuo ng komunidad

      Pinasimple ang mga group conversation.

    • I-express ang sarili mo

      Sabihin ito gamit ang mga sticker, boses, GIF, at marami pa.

    • WhatsApp business

      Abutin ang mga customer mo mula sa kahit saan.

  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
WhatsApp WebI-download

Huling binago: Enero 04, 2021 (mga naka-archive na bersyon)

Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp

Kung nakatira ka sa European Region, ibinibigay ng WhatsApp Ireland Limited ang Mga Serbisyo sa iyo sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy na ito.

Para maibigay ang aming Mga Serbisyo (ayon sa tinukoy sa ibaba) sa pamamagitan ng aming mga app, mga serbisyo, mga feature, software, o website, kailangan naming makuha ang pagsang-ayon mo sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ("Mga Tuntunin").

Ang WhatsApp LLC ("WhatsApp," "kami," "amin," o "namin") ang nagbibigay sa iyo ng mga serbisyong nakasaad sa ibaba ("Mga Serbisyo") maliban kung nakatira ka sa isang bansa o teritoryong nasa European Economic Area (na kinabibilangan ng European Union), at anumang iba pang kasamang bansa o teritoryo (sama-samang tinutukoy bilang "European Region").

Tungkol sa Aming Mga Serbisyo

  • Mga Prinsipyo sa Privacy at Seguridad. Simula noong sinimulan namin ang WhatsApp, binuo namin ang aming Mga Serbisyo nang may pagsasaalang-alang sa mahihigpit na prinsipyo sa privacy at seguridad.
  • Pagkonekta sa Iyo sa Ibang Tao. Nagbibigay kami, at palagi kaming nagsisikap na makapagbigay, ng mga paraan para makausap mo ang iba pang user ng WhatsApp kabilang na ang sa pamamagitan ng mga mensahe, voice at video call, pagpapadala ng mga larawan at video, pagpapakita ng iyong status, at pagbabahagi ng iyong lokasyon sa iba kapag gusto mo. Puwede kaming maglaan ng isang madaling gamiting platform na magbibigay-daan sa iyo na makapagpadala at makatanggap ng pera mula sa iba pang user sa kabuuan ng aming platform. Nakikipagtulungan ang WhatsApp sa mga partner, service provider, at affiliated na kumpanya para tulungan kaming makapagbigay ng mga paraan para makakonekta ka sa kanilang mga serbisyo.
  • Mga Paraan para Mapahusay ang Aming Mga Serbisyo. Sinusuri namin kung paano mo ginagamit ang WhatsApp, para mapaganda ang aming Mga Serbisyo, kabilang na ang pagtulong sa mga negosyong gumagamit ng WhatsApp para sukatin ang pagiging epektibo at ang distribusyon ng kanilang mga serbisyo at mensahe. Ginagamit ng WhatsApp ang impormasyong mayroon ito at nakikipagtulungan din ito sa mga partner, service provider, at affiliated na kumpanya para gawin ito.
  • Pakikipag-usap sa Mga Negosyo. Nagbibigay kami, at palagi kaming nagsisikap na makapagbigay, ng mga paraan para makapag-usap kayo ng mga negosyo at iba pang organisasyon gamit ang aming Mga Serbisyo, gaya ng impormasyon sa order, transaksyon, at appointment, mga abiso sa delivery at paghahatid, mga update sa produkto at serbisyo, at marketing.
  • Kaligtasan, Seguridad, at Integridad. Nagsisikap kaming protektahan ang kaligtasan, seguridad, at integridad ng aming Mga Serbisyo. Kasama rito ang wastong pagtugon sa mga mapang-abusong tao at aktibidad na lumalabag sa aming Mga Tuntunin. Nagsisikap kaming pagbawalan ang maling paggamit sa aming Mga Serbisyo, kabilang na ang mga mapaminsalang aksyon laban sa iba, mga paglabag sa aming Mga Tuntunin at patakaran, at para matugunan ang mga sitwasyon kung saan puwede kaming makatulong sa pagsuporta o pagprotekta sa aming komunidad. Kung may malalaman kaming ganitong mga tao o aktibidad, gagawa kami ng karampatang aksyon, kabilang na ang pag-aalis sa mga tao o aktibidad na iyon o pakikipag-ugnayan sa mga tagapagpatupad ng batas. Ang anumang naturang pag-aalis ay alinsunod sa seksyong “Pagwawakas” sa ibaba.
  • Pag-enable ng Access sa Aming Mga Serbisyo. Para mapagana ang aming mga pandaigdigang Serbisyo, kailangan naming i-store at ipamahagi ang content at impormasyon sa mga data center at system sa buong mundo, kabilang na sa labas ng bansang tinitirhan mo. Ang paggamit sa pandaigdigang imprastrukturang ito ay kinakailangan at mahalaga para maibigay ang aming Mga Serbisyo. Ang imprastrukturang ito ay maaaring pag-aari o pinapagana ng aming mga service provider kabilang na ang mga affiliated na kumpanya.
  • Mga Affiliated na Kumpanya. Isa kami sa Mga Kumpanya ng Facebook. Bilang bahagi ng Mga Kumpanya ng Facebook, nakakatanggap at nagbabahagi ang WhatsApp ng impormasyon sa Mga Kumpanya ng Facebook ayon sa nakasaad sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp, kabilang na ang pagbibigay ng mga integration na nagbibigay-daan sa iyong ikonekta ang iyong karanasan sa WhatsApp sa iba pang Facebook Company Products; pagtitiyak ng seguridad, kaligtasan, at integridad sa lahat ng Facebook Company Products; at pagpapaganda sa iyong karanasan sa mga ad at produkto sa lahat ng Facebook Company Products. Alamin pa ang tungkol sa Mga Kumpanya ng Facebook at ang mga tuntunin at patakaran ng mga ito rito.

Bumalik sa itaas

WALANG ACCESS SA MGA PANG-EMERGENCY NA SERBISYO: May mahahalagang pagkakaiba sa pagitan ng aming Mga Serbisyo at iyong mobile phone at isang fixed-line na telepono at mga SMS na serbisyo. Ang aming Mga Serbisyo ay hindi nagbibigay ng access sa mga pang-emergency na serbisyo o mga provider ng mga pang-emergency na serbisyo, kabilang ang pulisya, bumbero, o ospital, o iba pang answering point para sa pampublikong kaligtasan. Dapat mong tiyaking kaya mong makontak ang mga provider ng mga pang-emergency na serbisyong mahalaga para sa iyo gamit ang mobile phone, fixed-line na telepono, o iba pang serbisyo.

KUNG ISA KANG USER NG WHATSAPP NA NASA ESTADOS UNIDOS O CANADA, NAGLALAMAN ANG AMING MGA TUNTUNIN NG PROBISYON NA BINDING NA ARBITRASYON NA NAGSASAAD NA MALIBAN KUNG NAG-OPT OUT KA AT MALIBAN SA ILANG PARTIKULAR NA URI NG HINDI PAGKAKASUNDO, PUMAPAYAG KAYO NG WHATSAPP NA LUTASIN ANG LAHAT NG HINDI PAGKAKASUNDO (TINUTUKOY SA IBABA) SA PAMAMAGITAN NG BINDING NA INDIBIDWAL NA ARBITRASYON, IBIG SABIHIN, IPINAPAUBAYA MO NA ANG ANUMANG KARAPATAN NA PAGDESISYUNAN ANG MGA HINDI PAGKAKASUNDONG IYON NG ISANG HUKOM O JURY, AT IPINAPAUBAYA MO NA ANG KARAPATAN MONG SUMALI SA MGA CLASS ACTION, CLASS ARBITRATION, O REPRESENTATIVE ACTION. PAKIBASA ANG SEKSYONG “ESPESYAL NA PROBISYON SA ARBITRASYON PARA SA MGA USER NA NASA ESTADOS UNIDOS O CANADA” SA IBABA PARA ALAMIN PA.

Pagpaparehistro. Kailangan mong magparehistro para sa aming Mga Serbisyo gamit ang tumpak na impormasyon, ibigay ang kasalukuyang numero ng iyong mobile phone, at, kung papalitan mo ito, kailangan mong i-update ang numero ng iyong mobile phone gamit ang aming in-app na feature sa pagpapalit ng numero. Sumasang-ayon kang makatanggap ng mga text message at tawag sa telepono (mula sa amin o sa mga third-party na provider) para sa mga code na gagamitin para magparehistro sa aming Mga Serbisyo.

Address Book. Puwede mong gamitin ang contact upload feature, at kung pinapayagan ng mga nalalapat na batas, puwede mong ibigay sa amin nang regular ang mga numero ng telepono na nasa iyong mobile address book, kabilang na ang sa mga user ng aming Mga Serbisyo at iba mo pang contact. Alamin pa ang tungkol sa aming contact upload feature dito.

Edad. 13 taong gulang pataas ka na dapat para makapagparehistro at magamit ang aming Mga Serbisyo (o lampas ka na dapat sa edad na kinakailangan sa iyong bansa o teritoryo para mapahintulutan kang magparehistro at magamit ang aming Mga Serbisyo nang walang pahintulot ng magulang). Bukod sa dapat ay nasa minimum na kinakailangang edad ka para magamit ang aming Mga Serbisyo sa ilalim ng nalalapat na batas, kung wala ka pa sa hustong gulang para magkaroon ng awtoridad na sang-ayunan ang aming Mga Tuntunin sa iyong bansa o teritoryo, ang iyong magulang o guardian ang dapat sumang-ayon sa aming Mga Tuntunin para sa iyo. Pakiusapan ang iyong magulang o guardian na basahin ang Mga Tuntuning ito kasama ka.

Mga Device at Software. Para magamit ang aming Mga Serbisyo, kinakailangang mayroon kang ilang partikular na device, software, at koneksyon sa data na hindi namin maipagkakaloob. Para magamit ang aming Mga Serbisyo, pumapayag kang manual o awtomatikong i-download at i-install ang mga update sa aming Mga Serbisyo. Pumapayag ka rin na pana-panahong mapadalhan ng mga abiso gamit ang aming Mga Serbisyo, kapag kailangan para maibigay namin ang aming Mga Serbisyo sa iyo.

Mga Bayarin at Buwis. Ikaw ang mananagot para sa lahat ng data plan ng carrier, bayarin sa Internet, at iba pang bayarin at buwis na nauugnay sa paggamit mo ng aming Mga Serbisyo.

Bumalik sa itaas

Patakaran sa Privacy at Data ng User

Mahalaga sa WhatsApp ang privacy mo. Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy ng WhatsApp ang aming mga kasanayan at kagawian sa data (kabilang ang mensahe), kabilang ang mga uri ng impormasyong tinatanggap at kinokolekta namin mula sa iyo, paano namin ginagamit at ibinabahagi ang impormasyong ito, at ang mga karapatan mo kaugnay ng pagpoproseso ng impormasyon tungkol sa iyo.

Bumalik sa itaas

Katanggap-tanggap na Paggamit sa Aming Mga Serbisyo

Ang Aming Mga Tuntunin at Patakaran. Dapat mong gamitin ang aming Mga Serbisyo ayon sa aming Mga Tuntunin at na-post na patakaran. Kung lalabag ka sa aming Mga Tuntunin o patakaran, puwede kaming gumawa ng aksyon kaugnay ng iyong account, kabilang ang pag-disable o pagsususpinde sa iyong account at kung gagawin namin ito, sumasang-ayon kang hindi ka gagawa ng panibagong account nang wala ang aming pahintulot. Ang pag-disable o pagsususpinde sa iyong account ay alinsunod sa seksyong “Pagwawakas” sa ibaba.

Legal at Katanggap-tanggap na Paggamit. Dapat mong i-access at gamitin ang aming Mga Serbisyo para lang sa mga layuning legal, awtorisado, at katanggap-tanggap. Hindi mo gagamitin (o hindi mo tutulungan ang iba para gamitin) ang aming Mga Serbisyo sa paraang: (a) susuway, gagamit sa maling paraan, o lalabag sa mga karapatan ng WhatsApp, ng aming mga user, o iba pa, kabilang ang mga karapatan sa privacy, publicity, intelektwal na pag-aari, o iba pang pinagmamay-ariang karapatan; (b) ilegal, bastos, mapanirang-puri, mapagbanta, mapanakot, mapang-harass, mapoot, mapanakit sa lahi o etnisidad, o nag-uudyok o humihikayat ng gawaing ilegal o mali, gaya ng pagtataguyod ng mararahas na krimen, paglalagay sa panganib o pananamantala sa mga bata o iba pa, o pagkokoordina ng pananakit; (c) kinasasangkutan ng pag-publish ng mga kasinungalingan, misrepresentasyon, o mga mapanlinlang na pahayag; (d) pagpapanggap na ibang tao; (e) kinasasangkutan ng pagpapadala ng mga ilegal o ipinagbabawal na komunikasyon gaya ng bulk messaging, awtomatikong pagmemensahe, awtomatikong pag-dial, at mga katulad nito, o (f) kinasasangkutan ng anumang hindi personal na paggamit sa aming Mga Serbisyo maliban na lang kung pinahintulutan namin.

Pinsala sa WhatsApp o sa Aming Mga User. Hindi mo dapat (o hindi mo dapat tulungan ang iba na) i-access, gamitin, kopyahin, i-adapt, baguhin, paghandaan ng mga derivative work, i-distribute, lisensyahan, i-sublicense, ilipat, ipakita, paganahin, o kaya ay pagsamantalahan ang aming Mga Serbisyo sa direkta, hindi direkta, naka-automate o iba pang paraan sa mga paraang ipinagbabawal o hindi awtorisado, o sa mga paraang magpapabigat, makakasira, makakapinsala sa amin, sa aming Mga Serbisyo, mga system, sa aming mga user, o sa iba pa, kabilang ang pagbabawal sa iyo na direkta o automated na gawin ang mga sumusunod: (a) i-reverse engineer, palitan, baguhin, gawan ng derivative work, i-decompile, o i-extract ang code ng aming Mga Serbisyo; (b) magpadala, mag-store, o mag-transmit ng mga virus o iba pang mapanirang computer code sa o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo; (c) magkaroon o subukang magkaroon ng hindi awtorisadong access sa aming Mga Serbisyo o mga system; (d) manghimasok o abalahin ang kaligtasan, seguridad, pagiging kumpidensyal, integridad, availability, o performance ng aming Mga Serbisyo; (e) gumawa ng mga account para sa aming Mga System sa pamamagitan ng mga naka-automate o hindi awtorisadong paraan; (f) mangolekta ng impormasyon ng o tungkol sa aming mga user sa anumang paraang hindi pinapayagan o hindi awtorisado; (g) magbenta, mag-resell, magparenta, o maningil para sa aming Mga Serbisyo o data na nakukuha mula sa amin o sa aming Mga Serbisyo sa hindi awtorisadong paraan; (h) i-distribute o gawing available ang aming Mga Serbisyo sa isang network kung saan puwedeng magamit ang mga ito sa maraming device nang sabay-sabay, maliban na lang kung pinapahintulutan sa pamamagitan ng mga tool na hayagan naming ibinibigay sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo; (i) gumawa ng mga software o API na halos kapareho ng paggana ng aming Mga Serbisyo at pag-aalok sa mga ito para magamit ng mga third party sa hindi awtorisadong paraan; o (j) gamitin sa maling paraan ang anumang channel ng pag-uulat, gaya ng pagsusumite ng mga mapanloko o walang basehang ulat o apela.

Pagpapanatiling Secure ng Iyong Account. Ikaw ang may responsibilidad na panatilihing ligtas at secure ang iyong device at ang iyong WhatsApp account, at dapat mo kaming abisuhan agad tungkol sa anumang hindi awtorisadong paggamit o paglabag sa seguridad ng iyong account o ng aming Mga Serbisyo.

Bumalik sa itaas

Mga Serbisyo ng Third-Party

Puwede kang pahintulutan ng aming Mga Serbisyo na mag-access, gumamit, o makipag-interaksyon sa mga website, app, content, at iba pang produkto at serbisyo ng mga third-party, at Facebook Company Products. Halimbawa, puwede mong piliing gumamit ng mga serbisyo ng third-party para sa pag-back up ng data (gaya ng iCloud o Google Drive) na naka-integrate sa aming Mga Serbisyo o gumamit ng share button sa website ng third-party na magbibigay-daan sa iyong magpadala ng impormasyon sa iyong mga contact sa WhatsApp. Pakitandaan na ang Mga Tuntuning ito at ang aming Patakaran sa Privacy ay nalalapat lang sa paggamit sa aming Mga Serbisyo. Kapag gumamit ka ng mga produkto o serbisyo ng third-party o Facebook Company Products, mananaig ang kanilang mga tuntunin at patakaran sa privacy pagdating sa paggamit mo ng mga naturang produkto o serbisyo.

Bumalik sa itaas

Mga Lisensya

Ang Iyong Mga Karapatan. Hindi kine-claim ng WhatsApp ang pag-aari sa impormasyong isinusumite mo para sa iyong WhatsApp account o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo. Nasa iyo dapat ang mga kinakailangang karapatan para sa mga naturang impormasyon na isinusumite mo para sa iyong WhatsApp account o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo at ang karapatang magbigay ng mga karapatan at lisensya sa aming Mga Tuntunin.

Mga Karapatan ng WhatsApp. Kami ang nagmamay-ari ng lahat ng copyright, trademark, domain, logo, trade dress, trade secret, patent, at iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari na nauugnay sa aming Mga Serbisyo. Hindi mo puwedeng gamitin ang aming mga copyright, trademark (o anumang katulad na marka), domain, logo, trade dress, trade secret, patent, at iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari maliban na lang kung hayagan ka naming pinahintulutan at maliban kung alinsunod ito sa aming Mga Alituntunin ng Brand. Puwede mong gamitin ang mga trademark ng aming mga affiliated na kumpanya kung may pahintulot lang nila, kasama na kung awtorisado ito sa anumang naka-publish na alituntunin ng brand.

Ang Iyong Lisensya sa WhatsApp. Para mapagana at maibigay ang aming Mga Serbisyo, binibigyan mo ang WhatsApp ng pandaigdigan, hindi eksklusibo, walang royalty, nasa-sublicense, at naililipat na lisensya para gamitin, i-reproduce, i-distribute, gawan ng mga derivative work, ipakita, at paganahin ang impormasyon (kasama ang content) na ina-upload, isinusumite, sino-store, ipinapadala, o natatanggap mo sa o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo. Ang mga karapatang ibinibigay mo sa lisensyang ito ay para sa limitadong layunin ng pagpapagana at pagbibigay sa aming Mga Serbisyo (gaya ng para bigyang-daan kami na ipakita ang iyong profile picture at mensahe ng status, i-transmit ang iyong mga mensahe, at i-store ang iyong mga mensahe na hindi pa naihahatid sa aming mga server sa loob ng hanggang 30 araw habang sinusubukan namin itong ipadala).

Lisensya sa Iyo ng WhatsApp. Binibigyan ka namin ng limitado, nababawi, hindi eksklusibo, hindi nasa-sublicense, at hindi naililipat na lisensya para gamitin ang aming Mga Serbisyo, alinsunod sa at napapailalim sa aming Mga Tuntunin. Ang lisensyang ito ay para lang magamit mo ang aming Mga Serbisyo sa paraang pinapahintulutan ng aming Mga Tuntunin. Walang ibinibigay sa iyong lisensya o karapatan sa pamamagitan ng pagpapahiwatig o sa iba pang paraan, maliban sa mga lisensya at karapatang hayagang ibinigay sa iyo.

Bumalik sa itaas

Pag-uulat ng Paglabag sa Copyright, Trademark, at Iba Pang Intelektwal na Pag-aari ng Third-Party

Para mag-ulat ng mga claim ng paglabag sa copyright, trademark, o iba pang intelektwal na pag-aari ng third-party, pakibisita ang aming Patakaran sa Intelektwal na Pag-aari. Puwede kaming gumawa ng aksyon kaugnay ng iyong account, kabilang ang pag-disable o pagsususpinde ng iyong account, kung malinaw, matindi, o paulit-ulit ang paglabag mo sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba o kapag kailangan namin itong gawin para sa mga legal na dahilan. Ang pag-disable o pagsususpinde sa iyong account ay alinsunod sa seksyong “Pagwawakas” sa ibaba.

Bumalik sa itaas

Mga Disclaimer at Pag-aabswelto

GINAGAMIT MO ANG AMING MGA SERBISYO SA SARILI MONG PANANAGUTAN AT NAPAPAILALIM KA SA MGA SUMUSUNOD NA DISCLAIMER. IBINIBIGAY NAMIN ANG AMING MGA SERBISYO “BILANG GANOON” NANG WALANG ANUMANG INIHAYAG O IPINAHIWATIG NA WARRANTY, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA WARRANTY NG MERCHANTABILITY, KAANGKUPAN SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, TITULO, NON-INFRINGEMENT, AT KAWALAN NG COMPUTER VIRUS O IBA PANG MAPAMINSALANG CODE. HINDI NAMIN GINAGARANTIYA NA ANG ANUMANG IMPORMASYONG IBINIBIGAY NAMIN AY TUMPAK, KUMPLETO, O KAPAKI-PAKINABANG, NA ANG AMING MGA SERBISYO AY GUMAGANA, WALANG ERROR, SECURE, O LIGTAS, O TATAKBO ANG AMING MGA SERBISYO NANG WALANG ABALA, PAGKAANTALA, O PAGKAKAMALI. HINDI NAMIN KONTROLADO AT HINDI NAMIN RESPONSIBILIDAD ANG PAGKONTROL SA KUNG PAANO AT KAILAN GAGAMITIN NG MGA USER ANG AMING MGA SERBISYO O MGA FEATURE, SERBISYO, AT INTERFACE NG MGA SERBISYONG IBINIBIGAY NAMIN. HINDI NAMIN RESPONSIBILIDAD AT WALA KAMING OBLIGASYON NA KONTROLIN ANG MGA AKSYON O IMPORMASYON (KABILANG ANG CONTENT) NG AMING MGA USER O IBA PANG THIRD-PARTY. INAABSWELTO MO KAMI, ANG AMING MGA SUBSIDIARY, AFFILIATE, AT ANG AMING AT ANG KANILANG MGA DIREKTOR, OPISYAL, EMPLEYADO, PARTNER, AT AGENT (SAMA-SAMANG TINATAWAG NA “MGA WHATSAPP PARTY”) MULA SA ANUMANG CLAIM, REKLAMO, CAUSE OF ACTION, KONTROBERSYA, HINDI PAGKAKASUNDO, O DAMAGES (SAMA-SAMANG TINATAWAG NA “CLAIM”), TUKOY MAN O HINDI, KAUGNAY NG, DAHIL SA, O NAUUGNAY SA ANUMANG PARAAN SA ANUMANG NATURANG CLAIM NA MAYROON KA LABAN SA ANUMANG THIRD-PARTY. ANG IYONG MGA KARAPATAN KAUGNAY NG MGA WHATSAPP PARTY AY HINDI MABABAGO NG NABANGGIT NA DISCLAIMER KUNG HINDI ITO PINAPAYAGAN NG MGA BATAS NG TINITIRHAN MONG BANSA O TERITORYO BILANG RESULTA NG PAGGAMIT MO NG AMING MGA SERBISYO. KUNG ISA KANG RESIDENTE NG ESTADOS UNIDOS, IPINAPAUBAYA MO NA ANG ANUMANG KARAPATANG MAAARING MAYROON KA SA ILALIM NG CALIFORNIA CIVIL CODE §1542, O ANUMANG IBA PANG KATULAD NA NALALAPAT NA STATUTE O BATAS NG ANUMANG IBA PANG HURISDIKSYON, NA NAGSASAAD NA: HINDI SAKLAW NG ISANG PANGKALAHATANG PAG-AABSWELTO ANG MGA CLAIM NA HINDI ALAM O HINDI PINAGSUSUSPETSAHAN NG CREDITOR O NAG-AABSWELTONG PARTY SA KANYANG PABOR SA PANAHON NG PAGPAPATUPAD SA PAG-AABSWELTO, AT KUNG ALAM NIYA AY MAAARING MAKAAPEKTO NANG MALAKI SA KANYANG PAKIKIPAG-AREGLO SA DEBTOR O INAABSWELTONG PARTY.

Bumalik sa itaas

Limitasyon ng Pananagutan

HINDI MANANAGOT SA IYO ANG MGA PARTY NG WHATSAPP PARA SA ANUMANG PAGKAWALA NG MGA KITA O MGA KINAHINATNAN, ESPESYAL, MAPAGPARUSA, HINDI DIREKTA, O INSIDENTAL NA DAMAGE NA KAUGNAY NG, DAHIL SA, O SA ANUMANG PARAAN AY NAUUGNAY SA AMING MGA TUNTUNIN, SA AMIN, O SA AMING MGA SERBISYO (PAANO MAN ITO IDINULOT NG AT SA ANUMANG TEORYA NG PANANAGUTAN, KABILANG ANG KAPABAYAAN), KAHIT NA NAABISUHAN ANG MGA PARTY NG WHATSAPP NG POSIBILIDAD TUNGKOL SA MGA NATURANG DAMAGE. ANG KABUUAN NAMING PANANAGUTAN NA NAUUGNAY SA, DULOT NG, O SA ANUMANG PARAAN AY KONEKTADO SA AMING MGA TUNTUNIN, SA AMIN, O SA AMING MGA SERBISYO AY HINDI LALAMPAS SA ISANG DAANG DOLYAR ($100) O HALAGANG IBINAYAD MO SA AMIN SA NAKALIPAS NA LABINDALAWANG BUWAN, ALINMAN ANG MAS MALAKI. ANG NABANGGIT NA DISCLAIMER SA ILANG PARTIKULAR NA DAMAGE AT LIMITASYON NG PANANAGUTAN AY MAILALAPAT SA MAXIMUM NA SAKLAW NA PINAPAYAGAN NG NALALAPAT NA BATAS. MAAARING HINDI PINAPAYAGAN NG MGA BATAS NG ILANG ESTADO ANG EKSKLUSYON O LIMITASYON NG ILANG PARTIKULAR NA DAMAGE, KAYA PUWEDENG HINDI NALALAPAT SA IYO ANG ILAN O ANG LAHAT NG EKSKLUSYON AT LIMITASYONG NAKASAAD SA ITAAS. SA KABILA NG ANUMANG SALUNGAT SA AMING MGA TUNTUNIN, SA MGA GANOONG PAGKAKATAON, ANG PANANAGUTAN NG MGA PARTY NG WHATSAPP AY MAGIGING LIMITADO SA GANAP NA SAKLAW NA PINAPAHINTULUTAN NG NALALAPAT NA BATAS.

Bumalik sa itaas

Pagbabayad ng Damages

Kung may maghahain ng claim ("Claim ng Third-Party") laban sa amin kaugnay ng iyong aksyon, impormasyon, o content sa WhatsApp, o anumang iba pang paggamit mo sa aming Mga Serbisyo, sa maximum na sakop na pinapahintulutan ng nalalapat na batas, babayaran mo ng damages at ipapawalang-sala mo ang Mga Party ng WhatsApp mula at laban sa lahat ng uri ng pananagutan, pinsala, pagkawala, at bayarin (kabilang ang mga makatuwirang bayarin at gastusing legal) na kaugnay ng, dahil sa, o sa anumang paraan ay nauugnay sa alinman sa mga sumusunod: (a) pag-access o paggamit mo ng aming Mga Serbisyo, kabilang ang impormasyon at content na ibinigay kaugnay ng narito; (b) paglabag mo sa aming Mga Tuntunin o nalalapat na batas; o (c) anumang misrepresentasyong ginawa mo. Makikipagtulungan ka nang ganap hangga't kailangan namin para sa pagdepensa o pakikipag-areglo para sa anumang Claim ng Third-Party. Ang iyong mga karapatan kaugnay ng Whatsapp ay hindi mababago ng nabanggit na pagbabayad ng damages kung hindi ito pinapayagan ng mga batas ng tinitirhan mong bansa o teritoryo bilang resulta ng paggamit mo ng aming Mga Serbisyo.

Bumalik sa itaas

Pagresolba ng Hindi Pagkakasundo

Forum at Venue. Kung isa kang user ng WhatsApp na nasa Estados Unidos o Canada, nalalapat para sa iyo ang seksyong “Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada.” Pakibasa rin nang buo at mabuti ang seksyong iyon. Kung hindi ka sakop ng seksyong “Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada” sa ibaba, sumasang-ayon ka na ang anumang claim o cause of action na mayroon ka laban sa WhatsApp kaugnay ng, dahil sa, o sa anumang paraan ay nauugnay sa aming Mga Tuntunin o sa aming Mga Serbisyo, at para sa anumang claim o cause of action na ihahain ng WhatsApp laban sa iyo, pumapayag kayo ng WhatsApp na ang anumang naturang claim o cause of action (tatawaging “Hindi Pagkakasundo” kapag isa, at “Mga Hindi Pagkakasundo” kapag sama-sama) ay eksklusibong lulutasin sa United States District Court ng Northern District ng California o isang pang-estadong korteng nasa San Mateo County ng California, at sumasang-ayon kang mapailalim sa personal na hurisdiksyon ng mga naturang korte para dinggin ang anumang naturang claim o cause of action, at ang mga batas ng Estado ng California ang sasaklaw sa anumang naturang claim o cause of action nang hindi alintana ang mga probisyon tungkol sa conflict of law. Nang hindi nawawala ang anumang karapatan sa mga nabanggit, sumasang-ayon ka na sa sarili naming paghuhusga, puwede naming piliing resolbahin sa anumang kwalipikadong korte sa bansa kung saan ka nakatira na may hurisdiksyon sa Hindi Pagkakasundo ang anumang Hindi Pagkakasundo na mayroon kami sa iyo na hindi napapailalim sa arbitrasyon.

Nakakasakop na Batas. Ang mga batas ng Estado ng California ang sumasakop sa aming Mga Tuntunin, pati na sa anumang Hindi Pagkakasundo, sa korte man o sa arbitrasyon, na puwedeng sumulpot sa pagitan mo at ng WhatsApp, nang hindi alintana ang mga probisyon tungkol sa conflict of law.

Limitasyon sa Oras para Makapaghain ng Claim o Hindi Pagkakasundo. NILILIMITAHAN DIN NG MGA TUNTUNING ITO ANG ORAS NA MAYROON KA PARA MAKAPAGHAIN NG CLAIM O HINDI PAGKAKASUNDO, KABILANG ANG ORAS NG PAGSISIMULA NG ARBITRASYON, O KUNG PINAPAHINTULUTAN, ISANG AKSYON SA KORTE O PAGDINIG PARA SA MALILIIT NA CLAIM SA PINAKAMALAWAK NA SAKLAW NA PINAPAYAGAN NG NALALAPAT NA BATAS. Sumasang-ayon ka at kami na para sa anumang Hindi Pagkakasundo (maliban para sa Mga Ibinukod na Hindi Pagkakasundo na inilalarawan sa ibaba), ikaw at ako ay dapat maghain ng Mga Claim (kabilang ang pagsisimula ng pagdinig sa arbitrasyon) sa loob ng isang taon simula noong unang sumulpot ang Hindi Pagkakasundo; kung hindi ay permanenteng haharangan ang naturang Hindi Pagkakasundo. Ibig sabihin, kapag ikaw o ako ay hindi nakapaghain ng Claim (kabilang ang pagsisimula ng pagdinig ng arbitrasyon) sa loob ng isang taon simula noong unang sumulpot ang Hindi Pagkakasundo, idi-dismiss ang arbitrasyon dahil masyado nang huli ang pagsisimula nito.

Tingnan sa Ibaba: Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada

Bumalik sa itaas

Availability at Pagwawakas ng Aming Mga Serbisyo

Availability ng Aming Mga Serbisyo. Palagi kaming nagsisikap na pagandahin ang aming Mga Serbisyo. Ibig sabihin, puwede naming palawakin, dagdagan, o alisin ang aming Mga Serbisyo, feature, functionality, at suporta sa ilang partikular na device at platform. Puwedeng maantala ang aming Mga Serbisyo, kabilang na para sa mga maintenance, repair, upgrade, o pagpalya ng network o equipment. Puwede naming ihinto ang ilan o ang lahat ng aming Serbisyo, kabilang ang ilang partikular na feature at suporta para sa ilang partikular na device at platform, anumang oras. Puwedeng makaapekto sa aming Mga Serbisyo ang mga pangyayaring hindi namin kontrolado, gaya ng mga pangyayaring dulot ng kalikasan at iba pang force majeure na pangyayari.

Pagwawakas. Bagama't sana ay manatili kang user ng WhatsApp, puwede mong wakasan ang iyong ugnayan sa WhatsApp anumang oras para sa anumang dahilan sa pamamagitan ng pagbura sa iyong account. Para sa mga tagubilin kung paano ito gagawin, pakitingnan ang mga artikulo ng Android, iPhone, o KaiOS sa aming Help Center.

Puwede naming baguhin, suspindihin, o wakasan ang iyong access o paggamit sa aming Mga Serbisyo anumang oras para sa anumang dahilan, gaya ng kapag nilabag mo ang nakasaad o ang diwa ng aming Mga Tuntunin para magdulot ng kapahamakan, peligro, o mga posibleng legal na panganib para sa amin, sa aming mga user, o iba pa. Puwede rin naming i-disable o burahin ang iyong account kung hindi ito magiging aktibo pagkatapos ng pagpaparehistro ng account o kung mananatili itong hindi aktibo sa loob ng matagal na panahon. Mananatiling nalalapat ang mga sumusunod na probisyon sa kabila ng pagwawakas ng ugnayan mo sa WhatsApp: “Mga Lisensya,” “Mga Disclaimer at Pag-aabswelto,” “Limitasyon ng Pananagutan,” “Pagbabayad ng Damages,” “Pagresolba ng Hindi Pagkakasundo,” “Availability at Pagwawakas ng Aming Mga Serbisyo,” “Iba Pa,” at “Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada.”

Bumalik sa itaas

Iba Pa

  • Maliban na lang kung may kasunduan tayong dalawa na mutual nating ipinatutupad, ang aming Mga Tuntunin ang buong kasunduan sa pagitan nating dalawa tungkol sa WhatsApp at sa aming Mga Serbisyo, at sinasapawan nito ang anumang naunang kasunduan.
  • Nakalaan sa amin ang karapatan na italaga sa hinaharap kung may ilang partikular kaming Serbisyo na mapapailalim sa mga hiwalay na tuntunin (na kung naaangkop ay hiwalay mong papahintulutan).
  • Hindi idinisenyo ang aming Mga Serbisyo para sa distribusyon o paggamit sa anumang bansa o teritoryo kung saan ang naturang distribusyon o paggamit ay labag sa lokal na batas o magpapailalim sa amin sa anumang regulasyon ng ibang bansa o teritoryo. Nakalaan sa amin ang karapatang limitahan ang aming Mga Serbisyo sa anumang bansa o teritoryo.
  • Susunod ka sa lahat ng nalalapat na batas sa Estados Unidos at mga batas sa pagkontrol ng pag-export at sanction sa kalakalan na hindi para sa Estados Unidos (“Mga Batas sa Pag-export”). Hindi ka direkta o hindi direktang mag-e-export magre-reexport, magbibigay, o kaya ay maglilipat ng aming Mga Serbisyo: (a) sa sinumang indibidwal o anumang entity, teritoryo, o bansa na ipinagbabawal ng Mga Batas sa Pag-export; (b) sa sinumang nasa listahan ng mga pinaghihigpitang party ng pamahalaan ng Estados Unidos o ng ibang bansa; o (c) para sa anumang dahilang ipinagbabawal ng Mga Batas sa Pag-export, kabilang ang mga armas nukleyar, kemikal, o bayolohikal, o mga missile technology application nang walang naaangkop na awtorisasyon ng mga pamahalaan. Hindi mo gagamitin o ida-download ang aming Mga Serbisyo kung ikaw ay nasa isang restricted na bansa o teritoryo, kung ikaw ay kasalukuyang nakalista sa anumang listahan ng mga restricted party ng Estados Unidos o ng ibang bansa, o para sa anumang layuning ipinagbabawal ng Mga Batas sa Pag-export, at hindi mo pagtatakpan ang iyong lokasyon gamit ang pag-proxy ng IP o iba pang paraan.
  • Nakasulat ang aming Mga Tuntunin sa Ingles (Estados Unidos). Ipinagkakaloob sa iyo ang anumang isinaling bersyon para lang hindi ka mahirapan. Kapag ang alinmang isinaling bersyon ng aming Mga Tuntunin ay sumasalungat sa Ingles na bersyon, mangingibabaw ang Ingles na bersyon. Ang anumang pagbabago o pagpapaubayang iminumungkahi mo sa aming Mga Tuntunin ay nangangailangan ng hayagan naming pahintulot.
  • Puwede naming baguhin o i-update ang aming Mga Tuntunin. Bibigyan ka namin ng abiso ng mahahalagang pagbabago sa aming Mga Tuntunin, kung naaangkop, at ia-update namin ang petsang “Huling binago” sa itaas ng aming Mga Tuntunin. Ang patuloy mong paggamit sa aming Mga Serbisyo ang nagkukumpirma ng pagtanggap mo sa Tuntunin, ayon sa kung paano ito binago. Sana ay magpatuloy ka sa paggamit sa aming Mga Serbisyo, pero kung hindi ka sasang-ayon sa kung paano binago ang aming Mga Tuntunin, dapat mong ihinto ang paggamit sa aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng pagbura sa iyong account.
  • Ang lahat ng aming karapatan at obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito ay malaya naming maa-aassign sa alinman sa aming mga affiliate o kaugnay ng merger, acquisition, restructuring, o pagbebenta ng mga asset, o sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas o iba pa, at puwede naming ilipat ang iyong impormasyon sa alinman sa aming mga affiliate, mga successor na entity, o bagong may-ari. Kung magkakaroon ng ganoong pag-a-assign, patuloy na sasakupin ng Mga Tuntuning ito ang iyong ugnayan sa naturang third-party. Sana ay magpatuloy ka sa paggamit ng aming Mga Serbisyo, pero kung hindi ka papayag sa naturang pag-a-assign, dapat mong ihinto ang paggamit mo sa aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng pagbura sa iyong account pagkatapos maabisuhan tungkol sa naturang pag-a-assign.
  • Hindi mo ililipat ang alinman sa iyong mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito sa sinuman nang wala ang pauna naming nakasulat na pahintulot.
  • Walang anumang nasa aming Mga Tuntunin ang pipigil sa amin na sundin ang batas.
  • Maliban na lang kung nakasaad dito, hindi nagbibigay ang aming Mga Tuntunin ng anumang beneficiary na karapatan sa third-party.
  • Kung hindi namin mapapatupad ang alinman sa aming Mga Tuntunin, hindi ito ituturing na waiver o pagpapaubaya.
  • Kung matutukoy na ang alinmang probisyon sa Mga Tuntuning ito labag sa batas, walang bisa, o kaya ay hindi maipapatupad sa anumang dahilan, ituturing na binago ang probisyong iyon sa minimum na saklaw na kailangan para maipatupad ito, at kung hindi ito maipapatupad, dapat itong ituring na hiwalay sa aming Mga Tuntunin at hindi ito makakaapekto sa bisa at pagpapatupad sa mga natitirang probisyon ng aming Mga Tuntunin, at mananatiling ganap ang bisa at pagpapatupad sa natitirang bahagi ng aming Mga Tuntunin maliban sa nakasaad sa seksyong “Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada” sa ibaba.
  • Nakalaan sa amin ang lahat ng karapatan na hindi namin hayagang ibinigay sa iyo. Sa ilang partikular na hurisdiksyon, puwedeng may mga legal kang karapatan bilang isang consumer, at hindi layunin ng aming Mga Tuntunin na limitahan ang mga naturang legal na karapatan ng consumer na hindi puwedeng ipaubaya ng kontrata.
  • Palagi naming pinapahalagahan ang iyong feedback o iba pang suhestyon tungkol sa WhatsApp at aming Mga Serbisyo, pero nauunawaan mo na wala kang obligasyong magbigay ng mga feedback o suhestyon at puwede naming gamitin ang iyong mga feedback o suhestyon nang walang anumang restriksyon o obligasyong bayaran ka pa para sa mga iyon.

Bumalik sa itaas

Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada

PAKIBASA NANG MABUTI ANG SEKSYONG ITO DAHIL NAGLALAMAN ITO NG MGA DAGDAG NA PROBISYON NA NALALAPAT LANG SA MGA USER NAMIN NA NASA ESTADOS UNIDOS AT CANADA. KUNG ISA KANG USER NG WHATSAPP NA NASA ESTADOS UNIDOS O CANADA, IKAW AT AKO AY SUMASANG-AYON NA ISUSUMITE ANG LAHAT NG HINDI PAGKAKASUNDO SA BINDING NA INDIBIDWAL NA ARBITRASYON, MALIBAN SA MGA HINDI PAGKAKASUNDONG MAY KINALAMAN SA INTELEKTWAL NA PAG-AARI, AT MALIBAN SA MGA PUWEDENG IHAIN SA KORTE NG MALILIIT NA CLAIM O SMALL CLAIMS COURT. IBIG SABIHIN, IPINAPAUBAYA MO NA ANG KARAPATAN MO NA MADINIG ANG MGA NATURANG HINDI PAGKAKASUNDO NG ISANG HUKOM O JURY SA ISANG KORTE. BILANG PANGHULI, NAGHAHAIN KA NG CLAIM SA NGALAN MO LANG AT HINDI SA NGALAN NG SINUMANG OPISYAL O IBANG TAO, O GRUPO NG MGA TAO. IPINAPAUBAYA MO ANG KARAPATAN MONG MADINIG AT MALUTAS ANG IYONG HINDI PAGKAKASUNDO BILANG ISANG CLASS ACTION, CLASS ARBITRATION, O REPRESENTATIVE ACTION.

Ang ibig sabihin ng “Ibinukod na Hindi Pagkakasundo” ay anumang Hindi Pagkakasundo na nauugnay sa pagpapatupad o paglabag sa mga karapatan mo o namin sa intelektwal na pag-aari (gaya ng mga copyright, trademark, domain, logo, trade dress, trade secret, at patent) o mga hakbang para manghimasok sa aming Mga Serbisyo o gamitin ang aming Mga Serbisyo sa mga hindi awtorisadong paraan (halimbawa, mga naka-automate na paraan). Para sa pagbibigay ng linaw at sa kabila ng mga nabanggit, ang mga Hindi Pagkakasundo na kaugnay ng, dahil sa, o sa anumang paraan ay nauugnay sa iyong mga karapatan sa privacy at publicity ay hindi Mga Ibinukod na Hindi Pagkakasundo.

Federal Arbitration Act. Saklaw ng United States Federal Arbitration Act ang interpretasyon at pagpapatupad sa seksyong ito na “Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada,” kabilang ang anumang tanong kung ang isang Hindi Pagkakasundo sa pagitan mo o ng WhatsApp ay napapailalim sa arbitrasyon.

Kasunduang Makipag-arbitrasyon para sa Mga User ng WhatsApp na Nasa Estados Unidos o Canada. Para sa mga user ng WhatsApp na nakatira sa Estados Unidos o Canada, pumapayag ka at ang WhatsApp na ipaubaya ang karapatang litisin ng hukom o jury para sa lahat ng Hindi Pagkakasundo, maliban sa Mga Ibinukod na Hindi Pagkakasundo. Sumasang-ayon ka at ang WhatsApp na ang lahat ng Hindi Pagkakasundo (maliban sa Mga Ibinukod na Hindi Pagkakasundo), kabilang ang mga kaugnay ng, dahil sa, o sa anumang paraan ay nauugnay sa mga karapatan mo sa privacy at publicity, ay lulutasin sa pamamagitan ng pinal at binding na arbitrasyon. Sumang-ayon ka at ang WhatsApp na hindi pagsasamahin ang isang Hindi Pagkakasundo na napapailalim sa arbitrasyon sa ilalim ng aming Mga Tuntunin at isang Hindi Pagkakasundo na hindi kwalipikado para sa arbitrasyon sa ilalim ng aming Mga Tuntunin. Bago mo simulan ang proseso ng arbitrasyon ng isang Hindi Pagkakasundo, dapat kang magbigay sa amin ng isang nakasulat na Abiso ng Hindi Pagkakasundo na naglalaman ng iyong (a) pangalan; (b) address ng tirahan; (c) username; (d) email address o numero ng teleponong ginagamit mo sa iyong WhatsApp account; (e) isang detalyadong paglalarawan ng hindi pagkakasundo; at (f) ang habol mong remedyo. Ang anumang Abiso ng Hindi Pagkakasundo na ipapadala mo sa amin ay dapat i-mail sa Facebook, Inc., ATTN: WhatsApp Arbitration Filing, 1601 Willow Rd. Menlo Park, CA 94025. Bago namin simulan ang arbitrasyon, magpapadala kami ng Abiso ng Hindi Pagkakasundo sa email address na ibinigay mo, o sa iba pang naaangkop na paraan. Kung hindi natin malulutas ang isang hindi pagkakasundo sa loob ng animnapung (60) araw pagkatapos matanggap ang Abiso ng Hindi Pagkakasundo, puwede mo o naming simulan ang arbitrasyon.

Ang arbitrasyon ay papangasiwaan ng American Arbitration Association (“AAA”) sa ilalim ng Commercial Arbitration Rules nito na nalalapat sa panahong sinimulan ang arbitrasyon, kabilang ang Optional Rules for Emergency Measures of Protection at Supplementary Procedures for Consumer-Related Disputes (sama-samang tinatawag na “Mga Rule ng AAA”). Ang arbitrasyon ay pangungunahan ng isang arbitrator na pinili alinsunod sa Mga Rule ng AAA. Available sa www.adr.org ang Mga Rule ng AAA, impormasyon tungkol sa pagsisimula ng isang Hindi Pagkakasundo, at paglalarawan ng proseso ng arbitrasyon. Korte ang magdedesisyon para sa mga isyung may kinalaman sa sakop at pagiging nalalapat ng probisyon ng arbitrasyon. Ang lokasyon ng arbitrasyon at ang hatian ng mga bayarin at gastos para sa naturang arbitrasyon ay tutukuyin alinsunod sa Mga Rule ng AAA.

Proseso ng Pag-Opt-Out. Puwede kang mag-opt out sa kasunduang ito na mag-arbitrasyon. Kung gagawin mo ito, hindi natin puwedeng hilingin sa isa't isa na sumali sa isang pagdinig na arbitrasyon. Para mag-opt out, dapat mo kaming abisuhan sa sulat na nilagyan ng selyo sa loob ng 30 araw ng (a) petsa noong una mong tinanggap ang aming Mga Tuntunin; at (b) napailalim ka sa probisyong ito ng arbitrasyon, alinman ang mas huli. Dapat mong gamitin ang address na ito para mag-opt out:

WhatsApp LLC
Arbitration Opt-Out
1601 Willow Road
Menlo Park, California 94025
United States of America

Dapat mong ilagay ang: (i) iyong pangalan at address ng tirahan; (ii) numero ng mobile phone na nauugnay sa iyong account; at (iii) malinaw na pahayag na gusto mong mag-opt out sa kasunduang mag-arbitrasyon na nasa aming Mga Tuntunin.

Korte ng Maliliit na Claim o Small Claims Court. Bilang alternatibo sa arbitrasyon, kung papahintulutan ng mga patakaran ng iyong lokal na korte ng “small claims,” puwede mong ihain ang iyong Hindi Pagkakasundo sa iyong lokal na korte ng “small claims,” hangga't maisusulong ang usapin sa isang indibidwal (hindi class) na batayan.

Bawal ang Mga Class Action, Class Arbitration, o Representative Action para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada. Ikaw at kami ay parehong sumasang-ayon na kung isa kang user ng WhatsApp na nasa Estados Unidos o Canada, kami o ikaw ay puwedeng maghain ng Mga Hindi Pagkakasundo laban sa isa't isa para lang sa sarili natin, at hindi sa ngalan ng ibang tao o entity, o anumang grupo o class ng mga tao. Kami at ikaw ay parehong sumasang-ayon na hindi sasali sa isang class action, class-wide na arbitrasyon, Mga Hindi Pagkakasundong inihain ng isang private attorney general o bilang kinatawan, o mga konsolidadong Hindi Pagkakasundo na may kinalaman sa ibang tao o entity kaugnay ng anumang Hindi Pagkakasundo. Kung may pinal na hudisyal na desisyon na nagsasabing hindi maisasailalim sa arbitrasyon ang anumang partikular na Hindi Pagkakasundo (o ang paghiling ng partikular na remedyo) alinsunod sa mga limitasyon ng probisyong ito, tanging ang naturang Hindi Pagkakasundo (o ang paghiling lang na iyon ng remedyo) ang puwedeng isampa sa korte. Mapapailalim pa rin sa probisyong ito ang lahat ng iba pang Hindi Pagkakasundo (o mga paghiling ng remedyo).

Lugar ng Paghahain sa Mga Pinapayagang Aksyon sa Korte. Kung mag-o-opt out ka sa kasunduang makipag-arbitrasyon, kung ang iyong Hindi Pagkakasundo ay isang Ibinukod na Hindi Pagkakasundo, o kung matutukoy na hindi puwedeng ipatupad ang kasunduan sa arbitrasyon, sumasang-ayon kang mapailalim sa nalalapat na probisyon sa seksyong “Pagresolba ng Hindi Pagkakasundo” na nakasaad sa itaas.

Bumalik sa itaas

Pag-access sa Mga Tuntunin ng WhatsApp sa Iba't Ibang Wika

Para ma-access ang aming Mga Tuntunin sa iba pang partikular na wika, palitan ang setting ng wika ng session mo sa WhatsApp. Kung hindi available ang aming Mga Tuntunin sa pipiliin mong wika, Ingles na bersyon ang gagawin naming default. Pakibasa ang mga sumusunod na dokumento na nagbibigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa paggamit mo ng aming Mga Serbisyo:

Patakaran sa Privacy ng WhatsApp
Patakaran sa Intelektwal na Pag-aari ng WhatsApp
Mga Alituntunin sa Brand ng WhatsApp

Bumalik sa itaas

I-download
Main Logo ng WhatsApp
Main Logo ng WhatsAppI-download
Ano ang ginagawa naminMga FeatureBlogStoriesPara sa Business
Sino kamiTungkol sa aminMga CareerBrand CenterPrivacy
Gamitin ang WhatsAppAndroidiPhoneMac/PCWhatsApp Web
Kailangan ng tulong?Kontakin KamiHelp CenterCoronavirusMga Advisory sa Seguridad
I-download

2023 © WhatsApp LLC

Mga Tuntunin ng Serbisyo