Lumaktaw papunta sa content
  • Home
    • Mag-message nang pribadoManatiling konektadoKumonekta sa mga groupI-express ang sarili moWhatsApp for business
  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
  • Para sa Business
  • I-download
I-download
Mga Tuntunin at Patakaran sa Privacy2025 © WhatsApp LLC
Pangunahing Page ng WhatsAppPangunahing Page ng WhatsApp
    • Mag-message nang pribado

      Magkabilaang encryption at mga kontrol sa privacy.

    • Manatiling konektado

      Magpadala ng message at tumawag nang libre* sa buong mundo.

    • Kumonekta sa mga group

      Pinadaling group messaging.

    • I-express ang sarili mo

      Sabihin ito gamit ang mga sticker, boses, GIF, at marami pa.

    • WhatsApp business

      Abutin ang mga customer mo kahit saan man sa mundo.

  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
  • Para sa Business
  • Mga App
Mag-log inI-download

Huling binago: Enero 04, 2021 (mga naka-archive na bersyon)

Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp

Kung hindi ka nakatira sa European Region, ibinibigay ng WhatsApp LLC ang WhatsApp sa iyo sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy na ito.

Mag-click dito para sa Buod ng Kontrata ng WhatsApp at para sa impormasyong kailangan naming ibigay sa ilalim ng European Electronic Communications Code.

Para maibigay ang aming Mga Serbisyo (ayon sa tinukoy sa ibaba) sa pamamagitan ng aming mga app, mga serbisyo, mga feature, software, o website, kailangan naming makuha ang pagsang-ayon mo sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ("Mga Tuntunin").

Ang WhatsApp Ireland Limited ("WhatsApp," "kami," "amin," o "namin") ang nagbibigay sa iyo ng mga serbisyong nakasaad sa ibaba ("Mga Serbisyo") kung nakatira ka sa isang bansa o teritoryong nasa European Economic Area (na kinabibilangan ng European Union), at anumang iba pang kasamang bansa o teritoryo (sama-samang tinutukoy bilang "European Region"). Kung nakatira ka sa isang bansa o teritoryo na hindi kasama sa European Region, ibinibigay ng WhatsApp LLC sa iyo ang Mga Serbisyo sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy na ito.

Bumalik sa itaas

Tungkol sa Aming Mga Serbisyo

  • Mga Prinsipyo sa Privacy at Seguridad. Simula noong sinimulan namin ang WhatsApp, binuo namin ang aming Mga Serbisyo nang may pagsasaalang-alang sa mahihigpit na prinsipyo sa privacy at seguridad.
  • Pagkonekta sa Iyo sa Ibang Tao. Nagbibigay kami, at palagi kaming nagsisikap na makapagbigay, ng mga paraan para makausap mo ang iba pang user ng WhatsApp kabilang na ang sa pamamagitan ng mga mensahe, voice at video call, pagpapadala ng mga larawan at video, pagpapakita ng iyong status, at pagbabahagi ng iyong lokasyon sa iba kapag gusto mo. Nakikipagtulungan ang WhatsApp sa mga partner, service provider, at affiliated na kumpanya para tulungan kaming makapagbigay ng mga paraan para makakonekta ka sa kanilang mga serbisyo.
  • Pakikipag-usap sa Mga Negosyo. Nagbibigay kami, at palagi kaming nagsisikap na makapagbigay, ng mga paraan para makapag-usap kayo ng mga negosyo at iba pang organisasyon gamit ang aming Mga Serbisyo, gaya ng impormasyon sa order, transaksyon, at appointment, mga abiso sa delivery at paghahatid, mga update sa produkto at serbisyo, at marketing. Nag-aalok kami ng mga partikular na feature at serbisyo sa mga negosyo at iba pang organisasyon gaya ng pagbibigay sa kanila ng mga istatistika tungkol sa paggamit nila ng Mga Serbisyo.
  • Kaligtasan, Seguridad, at Integridad. Nagsisikap kaming protektahan ang kaligtasan, seguridad, at integridad ng aming Mga Serbisyo. Kasama rito ang wastong pagtugon sa mga mapang-abusong tao at aktibidad na lumalabag sa aming Mga Tuntunin. Nagsisikap kaming ipagbawal ang maling paggamit sa aming Mga Serbisyo kabilang ang mapanakit na gawain laban sa iba. Kung may malalaman kaming ganitong mga tao o aktibidad, gagawa kami ng karampatang aksyon sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga tao o aktibidad na iyon o pakikipag-ugnayan sa mga tagapagpatupad ng batas. Ang anumang naturang pag-aalis ng mga tao ay alinsunod sa seksyong "Pagwawakas" sa ibaba.
  • Pag-enable ng Access sa Aming Mga Serbisyo. Para mapagana ang aming mga pandaigdigang Serbisyo, kailangan naming i-store at ipamahagi ang content at impormasyon sa mga data center at system sa buong mundo, kabilang na sa labas ng bansang tinitirhan mo. Ang paggamit sa pandaigdigang imprastrukturang ito ay kinakailangan at mahalaga para maibigay ang aming Mga Serbisyo. Ang imprastrukturang ito ay maaaring pag-aari o pinapagana ng aming mga service provider kabilang na ang mga affiliated na kumpanya.

WALANG ACCESS SA MGA PANG-EMERGENCY NA SERBISYO: May mahahalagang pagkakaiba sa pagitan ng aming Mga Serbisyo at iyong mobile phone at isang fixed-line na telepono at mga SMS na serbisyo. Ang aming Mga Serbisyo ay hindi nagbibigay ng access sa mga pang-emergency na serbisyo o mga provider ng mga pang-emergency na serbisyo, kabilang ang pulisya, bumbero, o ospital, o iba pang answering point para sa pampublikong kaligtasan. Dapat mong tiyaking kaya mong makontak ang mga provider ng mga pang-emergency na serbisyong mahalaga para sa iyo gamit ang mobile phone, fixed-line na telepono, o iba pang serbisyo.

Pagpaparehistro. Kailangan mong magparehistro para sa aming Mga Serbisyo gamit ang tumpak na impormasyon, ibigay ang kasalukuyang numero ng iyong mobile phone, at, kung papalitan mo ito, kailangan mong i-update ang numero ng iyong mobile phone gamit ang aming in-app na feature sa pagpapalit ng numero. Sumasang-ayon kang makatanggap ng mga text message at tawag sa telepono (mula sa amin o sa mga third-party na provider) para sa mga code na gagamitin para magparehistro sa aming Mga Serbisyo.

Address Book. Puwede mong gamitin ang contact upload feature, at kung pinapayagan ng mga nalalapat na batas, puwede mong ibigay sa amin nang regular ang mga numero ng telepono na nasa iyong mobile address book, kabilang na ang sa mga user ng aming Mga Serbisyo at iba mo pang contact. Alamin pa ang tungkol sa aming contact upload feature dito.

Edad. Kung nakatira ka sa isang bansa o teritoryo sa European Region, 16 na taong gulang pataas ka na dapat para magamit ang aming Mga Serbisyo, o lampas ka na dapat sa edad na kinakailangan sa iyong bansa o teritoryo para makapagparehistro o magamit ang aming Mga Serbisyo nang walang pahintulot ng magulang. Kung nakatira ka sa isang bansa o teritoryo na hindi kabilang sa European Region, 13 taong gulang pataas ka na dapat para magamit ang aming Mga Serbisyo, o lampas ka na dapat sa edad na kinakailangan sa iyong bansa o teritoryo para makapagparehistro o magamit ang aming Mga Serbisyo. Bukod sa dapat ay nasa minimum na kinakailangang edad ka para magamit ang aming Mga Serbisyo sa ilalim ng nalalapat na batas, kung wala ka pa sa hustong gulang para magkaroon ng awtoridad na sang-ayunan ang aming Mga Tuntunin sa iyong bansa o teritoryo, ang iyong magulang o guardian ang dapat sumang-ayon sa aming Mga Tuntunin para sa iyo para magamit mo ang aming Mga Serbisyo. Pakiusapan ang iyong magulang o guardian na basahin ang Mga Tuntuning ito kasama ka.

Mga Device at Software. Para magamit ang aming Mga Serbisyo, kinakailangang mayroon kang ilang partikular na device, software, at koneksyon sa data na hindi namin maipagkakaloob. Para magamit ang aming Mga Serbisyo, pumapayag kang manual o awtomatikong i-download at i-install ang mga update sa aming Mga Serbisyo. Pumapayag ka rin na pana-panahong mapadalhan ng mga abiso gamit ang aming Mga Serbisyo, kapag kailangan para maibigay namin ang aming Mga Serbisyo sa iyo.

Mga Bayarin at Buwis. Ikaw ang mananagot para sa lahat ng data plan ng carrier, bayarin sa Internet, at iba pang bayarin at buwis na nauugnay sa paggamit mo ng aming Mga Serbisyo.

Bumalik sa itaas

Patakaran sa Privacy at Data ng User

Mahalaga sa WhatsApp ang privacy mo. Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy ng WhatsApp ang aming mga kasanayan at kagawian sa data (kabilang ang mensahe), kabilang ang mga uri ng impormasyong tinatanggap at kinokolekta namin mula sa iyo, paano namin ginagamit at ibinabahagi ang impormasyong ito, at ang mga karapatan mo kaugnay ng pagpoproseso ng impormasyon tungkol sa iyo.

Bumalik sa itaas

Katanggap-tanggap na Paggamit sa Aming Mga Serbisyo

Ang Aming Mga Tuntunin at Patakaran. Dapat mong gamitin ang aming Mga Serbisyo ayon sa aming Mga Tuntunin at patakaran. Kung lalabag ka sa aming Mga Tuntunin o patakaran, puwede kaming gumawa ng aksyon kaugnay ng iyong account, kabilang ang pag-disable o pagsususpinde sa iyong account at kung gagawin namin ito, sumasang-ayon kang hindi ka gagawa ng panibagong account nang wala ang aming pahintulot. Ang pag-disable o pagsususpinde sa iyong account ay alinsunod sa seksyong "Pagwawakas" sa ibaba.

Legal at Katanggap-tanggap na Paggamit. Dapat mong i-access at gamitin ang aming Mga Serbisyo para lang sa mga layuning legal, awtorisado, at katanggap-tanggap. Hindi mo gagamitin (o hindi mo tutulungan ang iba para gamitin) ang aming Mga Serbisyo sa paraang: (a) susuway, gagamit sa maling paraan, o lalabag sa mga karapatan ng WhatsApp, ng aming mga user, o iba pa, kabilang ang mga karapatan sa privacy, publicity, intelektwal na pag-aari, o iba pang pinagmamay-ariang karapatan; (b) ilegal, bastos, mapanirang-puri, mapagbanta, mapanakot, mapang-harass, mapoot, mapanakit sa lahi o etnisidad, o nag-uudyok o humihikayat ng gawaing ilegal o mali, gaya ng pagtataguyod ng mararahas na krimen, paglalagay sa panganib o pananamantala sa mga bata o iba pa, o pagkokoordina ng pananakit; (c) kinasasangkutan ng pag-publish ng mga kasinungalingan, misrepresentasyon, o mga mapanlinlang na pahayag; (d) pagpapanggap na ibang tao; (e) kinasasangkutan ng pagpapadala ng mga ilegal o ipinagbabawal na komunikasyon, gaya ng bulk messaging, awtomatikong pagmemensahe, awtomatikong pag-dial, at mga katulad nito, o (f) kinasasangkutan ng anumang hindi personal na paggamit sa aming Mga Serbisyo maliban na lang kung pinahintulutan namin.

Pinsala sa WhatsApp o sa Aming Mga User. Hindi mo dapat (o hindi mo dapat tulungan ang iba na) i-access, gamitin, kopyahin, i-adapt, baguhin, paghandaan ng mga derivative work, i-distribute, lisensyahan, i-sublicense, ilipat, ipakita, paganahin, o kaya ay pagsamantalahan ang aming Mga Serbisyo sa direkta, hindi direkta, naka-automate o iba pang paraan sa mga paraang ipinagbabawal o hindi awtorisado, o sa mga paraang magpapabigat, makakasira, makakapinsala sa amin, sa aming Mga Serbisyo, mga system, sa aming mga user, o sa iba pa, kabilang ang pagbabawal sa iyo na direkta o automated na gawin ang mga sumusunod: (a) i-reverse engineer, palitan, baguhin, gawan ng derivative work, i-decompile, o i-extract ang code ng aming Mga Serbisyo; (b) magpadala, mag-store, o mag-transmit ng mga virus o iba pang mapanirang computer code sa o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo; (c) magkaroon o subukang magkaroon ng hindi awtorisadong access sa aming Mga Serbisyo o mga system; (d) manghimasok o abalahin ang kaligtasan, seguridad, pagiging kumpidensyal, integridad, availability o performance ng aming Mga Serbisyo; (e) gumawa ng mga account para sa aming Mga System sa pamamagitan ng mga naka-automate o hindi awtorisadong paraan; (f) mangolekta ng impormasyon ng o tungkol sa aming mga user sa anumang paraang hindi pinapayagan o hindi awtorisado; (g) magbenta, mag-resell, magparenta, o maningil para sa aming Mga Serbisyo o data na nakukuha mula sa amin o sa aming Mga Serbisyo sa hindi awtorisadong paraan; (h) i-distribute o gawing available ang aming Mga Serbisyo sa isang network kung saan puwedeng magamit ang mga ito sa maraming device nang sabay-sabay, maliban na lang kung pinapahintulutan sa pamamagitan ng mga tool na hayagan naming ibinibigay sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo; (i) gumawa ng mga software o API na halos kapareho ng paggana ng aming Mga Serbisyo at pag-aalok sa mga ito para magamit ng mga third party sa hindi awtorisadong paraan; o (j) gamitin sa maling paraan ang anumang channel ng pag-uulat, gaya ng pagsusumite ng mga mapanloko o walang basehang ulat o apela.

Pagpapanatiling Secure ng Iyong Account. Ikaw ang may responsibilidad na panatilihing ligtas at secure ang iyong device at ang iyong WhatsApp account, at dapat mo kaming abisuhan agad tungkol sa anumang hindi awtorisadong paggamit o paglabag sa seguridad ng iyong account o ng aming Mga Serbisyo.

Bumalik sa itaas

Mga Serbisyo ng Third-Party

Puwede kang pahintulutan ng aming Mga Serbisyo na mag-access, gumamit, o makipag-interaksyon sa mga website, app, content, at iba pang produkto at serbisyo ng mga third-party, at Facebook Company Products. Halimbawa, puwede mong piliing gumamit ng mga serbisyo ng third-party para sa pag-back up ng data (gaya ng iCloud o Google Drive) na naka-integrate sa aming Mga Serbisyo o gumamit ng share button sa website ng third-party na magbibigay-daan sa iyong magpadala ng impormasyon sa iyong mga contact sa WhatsApp. Pakitandaan na ang Mga Tuntuning ito at ang aming Patakaran sa Privacy ay nalalapat lang sa paggamit sa aming Mga Serbisyo. Kapag gumamit ka ng mga produkto o serbisyo ng third-party o iba pang Facebook Company Products, mananaig ang kanilang sariling mga tuntunin at patakaran sa privacy pagdating sa paggamit mo ng mga naturang produkto o serbisyo.

Bumalik sa itaas

Mga Lisensya

Ang Iyong Mga Karapatan. Hindi kine-claim ng WhatsApp ang pag-aari sa impormasyong isinusumite mo para sa iyong WhatsApp account o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo. Nasa iyo dapat ang mga kinakailangang karapatan para sa mga naturang impormasyon na isinusumite mo para sa iyong WhatsApp account o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo at ang karapatang magbigay ng mga karapatan at lisensya sa aming Mga Tuntunin.

Mga Karapatan ng WhatsApp. Kami ang nagmamay-ari ng lahat ng copyright, trademark, domain, logo, trade dress, trade secret, patent, at iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari na nauugnay sa aming Mga Serbisyo. Hindi mo puwedeng gamitin ang aming mga copyright, trademark (o anumang katulad na marka), domain, logo, trade dress, trade secret, patent, o iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari maliban na lang kung hayagan ka naming pinahintulutan at maliban kung alinsunod ito sa aming Mga Alituntunin ng Brand. Puwede mong gamitin ang mga trademark ng aming mga affiliate na kumpanya kung may pahintulot lang nila, kasama na kung awtorisado ito sa anumang naka-publish na alituntunin ng brand.

Ang Iyong Lisensya sa WhatsApp. Para mapagana at maibigay ang aming Mga Serbisyo, binibigyan mo ang WhatsApp ng pandaigdigan, hindi eksklusibo, walang royalty, nasa-sublicense, at naililipat na lisensya para gamitin, i-reproduce, i-distribute, gawan ng mga derivative work, ipakita, at paganahin ang impormasyon (kasama ang content) na ina-upload, isinusumite, sino-store, ipinapadala, o natatanggap mo sa o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo. Ang mga karapatang ibinibigay mo sa lisensyang ito ay para sa limitadong layunin ng pagpapagana at pagbibigay sa aming Mga Serbisyo (gaya ng para bigyang-daan kami na ipakita ang iyong profile picture at mensahe ng status, i-transmit ang iyong mga mensahe, at i-store ang iyong mga mensahe na hindi pa naihahatid sa aming mga server sa loob ng hanggang 30 araw habang sinusubukan namin itong ipadala).

Lisensya sa Iyo ng WhatsApp. Binibigyan ka namin ng limitado, nababawi, hindi eksklusibo, hindi nasa-sublicense, at hindi naililipat na lisensya para gamitin ang aming Mga Serbisyo, alinsunod sa at napapailalim sa aming Mga Tuntunin. Ang lisensyang ito ay para lang magamit mo ang aming Mga Serbisyo sa paraang pinapahintulutan ng aming Mga Tuntunin. Walang ibinibigay sa iyong lisensya o karapatan sa pamamagitan ng pagpapahiwatig o sa iba pang paraan, maliban sa mga lisensya at karapatang hayagang ibinigay sa iyo.

Bumalik sa itaas

Pag-uulat ng Paglabag sa Copyright, Trademark, at Iba Pang Intelektwal na Pag-aari ng Third-Party

Para mag-ulat ng mga claim ng paglabag sa copyright, trademark, o iba pang intelektwal na pag-aari ng third-party, pakibisita ang aming Patakaran sa Intelektwal na Pag-aari. Puwede kaming gumawa ng aksyon kaugnay ng iyong account, kabilang ang pag-disable o pagsususpinde ng iyong account, kung malinaw, matindi, o paulit-ulit ang paglabag mo sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba o kapag kailangan namin itong gawin para sa mga legal na dahilan. Ang pag-disable o pagsususpinde sa iyong account ay alinsunod sa seksyong "Pagwawakas" sa ibaba.

Bumalik sa itaas

Mga Disclaimer at Pag-aabswelto

Ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo sa sarili mong pananagutan at napapailalim ka sa mga sumusunod na disclaimer. Ibinibigay namin ang aming Mga Serbisyo "bilang ganoon" nang walang anumang inihayag o ipinahiwatig na warranty, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga warranty ng merchantability, kaangkupan sa isang partikular na layunin, titulo, non-infringement, at kawalan ng computer virus o iba pang mapaminsalang code. Hindi namin ginagarantiya na ang anumang impormasyong ibinibigay namin ay tumpak, kumpleto, o kapaki-pakinabang, na ang aming Mga Serbisyo ay gumagana, walang error, secure, o ligtas, o tatakbo ang aming Mga Serbisyo nang walang abala, pagkaantala, o pagkakamali. Hindi namin kontrolado at hindi namin responsibilidad ang pagkontrol sa kung paano at kailan gagamitin ng mga user ang aming Mga Serbisyo o mga feature, serbisyo, at interface ng Mga Serbisyong ibinibigay namin. Hindi namin responsibilidad at wala kaming obligasyon na kontrolin ang mga aksyon o impormasyon (kabilang ang content) ng aming mga user o iba pang third-party. Inaabswelto mo kami, ang aming mga subsidiary, affiliate, at ang aming at ang kanilang mga direktor, opisyal, empleyado, partner, at agent (sama-samang tinatawag na "Mga WhatsApp Party") mula sa anumang claim, reklamo, cause of action, kontrobersya, o damage (sama-samang tinatawag na "Claim"), tukoy man o hindi, kaugnay ng, dahil sa, o nauugnay sa anumang paraan sa anumang naturang Claim na mayroon ka laban sa anumang third-party. Ang iyong mga karapatan kaugnay ng Mga WhatsApp Party ay hindi mababago ng nabanggit na disclaimer kung hindi ito pinapayagan ng mga batas ng tinitirhan mong bansa o teritoryo bilang resulta ng paggamit mo ng aming Mga Serbisyo.

Bumalik sa itaas

Limitasyon ng Pananagutan

Hanggang sa mga sumusunod lang mananagot ang WhatsApp:

Mananagot ang WhatsApp nang walang limitasyon alinsunod sa mga statutory na probisyon para sa mga pinsalang sanhi ng injury sa buhay, katawan o kalusugan; kung sakaling may intensyon; kung sakaling may gross negligence; at alinsunod sa Product Liability Directive.

Magsasagawa ang WhatsApp ng propesyonal na pag-iingat sa pagbibigay sa iyo ng Mga Serbisyo. Kung kumilos kami nang may propesyonal na diligence, hindi tinatanggap ng WhatsApp ang responsibilidad para sa mga pagkawala na hindi dulot ng paglabag namin sa Mga Tuntuning ito o kaya ay hindi dulot ng aming aksyon; mga pagkawala na hindi reasonably foreseeable sa atin noong pinasok natin ang Mga Tuntuning ito; at mga event na wala sa aming reasonable control.

Bumalik sa itaas

Pagresolba ng Hindi Pagkakasundo

Kung isa kang consumer at regular kang nakatira sa isang bansa o teritoryo na nasa European Region, ang mga batas ng iyong bansa o teritoryo ang ilalapat sa anumang Claim na mayroon ka laban sa amin na dulot ng o may kaugnayan sa Mga Tuntuning ito o sa aming Mga Serbisyo, at puwede mong resolbahin ang iyong Claim sa anumang may kakayahang korte sa iyong bansa o teritoryo na may hurisdiksyon sa Claim. Sa lahat ng iba pang sitwasyon, sumasang-ayon ka na ang Claim ay dapat lutasin sa isang may kakayahang korte sa Ireland na may hurisdiksyon sa Claim at ang mga batas ng Ireland ang sasaklaw sa Mga Tuntuning ito at sa anumang Claim, nang hindi alintana ang mga probisyon tungkol sa conflict of law.

Bumalik sa itaas

Availability at Pagwawakas ng Aming Mga Serbisyo

Availability ng Aming Mga Serbisyo. Palagi kaming nagsisikap na pagandahin ang aming Mga Serbisyo. Ibig sabihin, puwede naming palawakin, dagdagan, o alisin ang aming Mga Serbisyo, feature, functionality, at suporta sa ilang partikular na device at platform. Puwedeng maantala ang aming Mga Serbisyo, kabilang na para sa mga maintenance, repair, upgrade, o pagpalya ng network o equipment. Puwede naming ihinto ang ilan o ang lahat ng aming Serbisyo, kabilang ang ilang partikular na feature at suporta para sa ilang partikular na device at platform, anumang oras pagkatapos ng palugit ng tagal ng pag-aabiso na 30 araw, kung saan hindi kinakailangan ang naturang abiso sa mga agarang sitwasyon gaya ng pag-iwas sa pang-aabuso, pagtugon sa mga legal na kinakailangan, o pagtugon sa mga isyu sa seguridad at paggana. Puwedeng makaapekto sa aming Mga Serbisyo ang mga pangyayaring hindi namin kontrolado, gaya ng mga pangyayaring dulot ng kalikasan at iba pang force majeure na pangyayari.

Pagwawakas. Bagama't sana ay manatili kang user ng WhatsApp, puwede mong wakasan ang iyong ugnayan sa WhatsApp anumang oras para sa anumang dahilan sa pamamagitan ng pagbura sa iyong account. Para sa mga tagubilin kung paano ito gagawin, pakitingnan ang mga artikulo ng Android, iPhone, o KaiOS sa aming Help Center.

Mananatiling hindi apektado ang karapatan naming magwakas for cause. Ituturing na may good cause kung may isang party na lalabag sa mga batas, mga karapatan ng third-party, o kung may lalabag sa Mga Tuntunin na ito, at hindi makatuwirang maipagpapatuloy ng party na magsasagawa ng pagwawakas ang kontraktwal na ugnayan hanggang sa napagkasunduang petsa ng pagwawakas o hanggang sa pag-expire ng tagal ng panahon ng abiso, kung ikokonsidera ang lahat ng pangyayari sa indibidwal na kaso at pagkatapos timbangin ang mga interes ng parehong party. Ang pagwawakas dahil sa good cause ay posible lang kung naisagawa sa loob ng makatuwirang tagal ng panahon pagkatapos malaman ng kabilang party ang isang paglabag.

Kung ang mahalagang dahilan ay isang paglabag sa isang obligasyon sa Mga Tuntuning ito, papahintulutan lang ang pagwawakas matapos mag-expire ang ipinagkaloob na tagal ng panahon ng remedyo na hindi natupad, o pagkatapos ng babala na hindi nasunod. Gayunpaman, hindi ito nalalapat kung ang lumalabag na party ay matindi at ganap na tatanggi sa pagsasakatuparan ng kanyang mga obligasyon, o kaya ay pagkatapos timbangin ang mga interes ng parehong party, binibigyang-katuwiran ng mga espesyal na sitwasyon ang agad na pagwawakas.

Alinsunod sa seksyong ito ng "Pagwawakas," puwede rin naming baguhin, suspindihin, o wakasan ang iyong access sa o ang paggamit mo ng aming Mga Serbisyo anumang oras dahil sa kahina-hinala o labag sa batas na gawain, kabilang ang panloloko, o kung may makatuwiran kaming paniniwala na nilalabag mo ang aming Mga Tuntunin o nagdudulot ka ng kapahamakan, peligro, o posibleng legal na panganib para sa amin, sa aming mga user, o sa iba. Puwede rin naming i-disable o burahin ang iyong account kung hindi ito magiging aktibo pagkatapos ng pagpaparehistro ng account o kung mananatili itong hindi aktibo sa loob ng matagal na panahon. Kung buburahin mo ang iyong account o kung buburahin o idi-disable namin ito, magwawakas ang Mga Tuntuning ito bilang kasunduan sa pagitan natin, pero mananatiling nalalapat ang mga sumusunod na probisyon sa kabila ng pagwawakas ng ugnayan mo sa WhatsApp: "Mga Lisensya," "Mga Disclaimer at Pag-aabswelto," "Limitasyon ng Pananagutan," "Pagresolba ng Hindi Pagkakasundo," "Availability at Pagwawakas ng Aming Mga Serbisyo," at "Iba Pa.” Kung sa tingin mo ay hindi dapat winakasan o sinuspinde ang iyong account, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa support@support.whatsapp.com.

Bumalik sa itaas

Iba Pa

  • Maliban na lang kung may kasunduan tayong dalawa na mutual nating ipinatutupad, ang aming Mga Tuntunin ang buong kasunduan sa pagitan nating dalawa tungkol sa WhatsApp at sa aming Mga Serbisyo, at sinasapawan nito ang anumang naunang kasunduan.
  • Nakalaan sa amin ang karapatan na italaga sa hinaharap kung may ilang partikular kaming Serbisyo na mapapailalim sa mga hiwalay na tuntunin (na kung naaangkop ay hiwalay mong papahintulutan).
  • Hindi idinisenyo ang aming Mga Serbisyo para sa distribusyon o paggamit sa anumang bansa o teritoryo kung saan ang naturang distribusyon o paggamit ay labag sa lokal na batas o magpapailalim sa amin sa anumang regulasyon ng ibang bansa o teritoryo. Nakalaan sa amin ang karapatang limitahan ang aming Mga Serbisyo sa anumang bansa o teritoryo.
  • Susunod ka sa lahat ng nalalapat na batas sa Estados Unidos at mga batas sa pagkontrol ng pag-export at sanction sa kalakalan na hindi para sa Estados Unidos ("Mga Batas sa Pag-export"). Hindi ka direkta o hindi direktang mag-e-export magre-reexport, magbibigay, o kaya ay maglilipat ng aming Mga Serbisyo: (a) sa sinumang indibidwal o anumang entity, teritoryo, o bansa na ipinagbabawal ng Mga Batas sa Pag-export; (b) sa sinumang nasa listahan ng mga pinaghihigpitang party ng pamahalaan ng Estados Unidos o ng ibang bansa; o (c) para sa anumang dahilang ipinagbabawal ng Mga Batas sa Pag-export, kabilang ang mga armas nukleyar, kemikal, o bayolohikal, o mga missile technology application nang walang naaangkop na awtorisasyon ng mga pamahalaan. Hindi mo gagamitin o ida-download ang aming Mga Serbisyo kung ikaw ay nasa isang restricted na bansa o teritoryo, kung ikaw ay kasalukuyang nakalista sa anumang listahan ng mga restricted party ng Estados Unidos o ng ibang bansa, o para sa anumang layuning ipinagbabawal ng Mga Batas sa Pag-export, at hindi mo pagtatakpan ang iyong lokasyon gamit ang pag-proxy ng IP o iba pang paraan.
  • Ang anumang pagbabago o pagpapaubayang iminumungkahi mo sa aming Mga Tuntunin ay nangangailangan ng hayagan naming pahintulot.
  • Patuloy kaming nagsisikap na pahusayin ang aming Mga Serbisyo at makabuo ng mga bagong feature para mas pagandahin ang aming mga produkto para sa iyo at sa ating komunidad. Samakatuwid, posibleng kailangan naming i-update ang Mga Tuntuning ito paminsan-minsan para maipakita nang tama ang aming Mga Serbisyo at kasanayan o kagawian. Gagawa lang kami ng mga pagbabago kung hindi na naaangkop o hindi na kumpleto ang mga probisyon. Maliban na lang kung iba ang hinihingi ng batas, bibigyan ka namin ng kahit man lang 30 araw na paunang abiso tungkol sa mga pagbabago sa aming Mga Tuntunin (hal., sa pamamagitan ng e-mail o ng aming Mga Serbisyo), na magbibigay sa iyo ng oportunidad na suriin ang binago naming Mga Tuntunin bago ilapat ang mga ito, at titiyakin namin na ang anumang naturang pagbabago ay magiging makatuwiran para sa iyo, habang isinasaalang-alang ang iyong mga interes. Ia-update din namin ang petsang "Huling binago" sa itaas ng aming Mga Tuntunin. Ang mga pagbabago sa Mga Tuntuning ito ay mailalapat pagkalipas ng hindi bababa sa 30 araw pagkatapos naming magbigay ng abiso tungkol sa mga planong pagbabago. Kapag nailapat na ang mga na-update na Tuntunin, mapapailalim ka sa mga ito kung patuloy mong gagamitin ang aming Mga Serbisyo. Sana ay magpatuloy ka sa paggamit sa aming Mga Serbisyo, pero kung hindi ka sasang-ayon sa kung paano binago ang aming Mga Tuntunin, dapat mong ihinto ang paggamit sa aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng pagbura sa iyong account.
  • Ang lahat ng aming karapatan at obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito ay malaya naming maa-assign sa alinman sa aming mga affiliate o kaugnay ng merger, acquisition, restructuring, o pagbebenta ng mga asset, o sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas o iba pa. Kung sakaling magkakaroon ng ganoong pag-assign, ililipat lang namin ang iyong impormasyon alinsunod sa mga nalalapat na batas, at hihingi kami ng pahintulot mo kung kailangan; patuloy na mapapailalim sa Mga Tuntuning ito ang ugnayan mo sa naturang third-party. Sana ay magpatuloy ka sa paggamit ng WhatsApp, pero kung hindi ka papayag sa naturang pag-a-assign, dapat mong ihinto ang paggamit mo sa aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng pagbura sa iyong account pagkatapos maabisuhan tungkol sa naturang pag-a-assign.
  • Hindi mo ililipat ang alinman sa iyong mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito sa sinuman nang wala ang pauna naming nakasulat na pahintulot.
  • Walang anumang nasa aming Mga Tuntunin ang pipigil sa amin na sundin ang batas.
  • Maliban na lang kung nakasaad dito, hindi nagbibigay ang aming Mga Tuntunin ng anumang beneficiary na karapatan sa third-party.
  • Kung hindi namin mapapatupad ang alinman sa aming Mga Tuntunin, hindi ito ituturing na waiver o pagpapaubaya.
  • Kung matutukoy na ang alinmang probisyon sa Mga Tuntuning ito ay labag sa batas, walang bisa, o kaya ay hindi maipapatupad sa anumang dahilan, ituturing na binago ang probisyong iyon sa minimum na saklaw na kailangan para maipatupad ito, at kung hindi ito maipapatupad, dapat itong ituring na hiwalay sa aming Mga Tuntunin at hindi ito makakaapekto sa bisa at pagpapatupad sa mga natitirang probisyon ng aming Mga Tuntunin, at mananatiling ganap ang bisa at pagpapatupad sa natitirang bahagi ng aming Mga Tuntunin.
  • Nakalaan sa amin ang lahat ng karapatan na hindi namin hayagang ibinigay sa iyo. Sa ilang partikular na hurisdiksyon, puwedeng may mga legal kang karapatan bilang isang consumer, at hindi layunin ng aming Mga Tuntunin na limitahan ang mga naturang legal na karapatan ng consumer na hindi puwedeng ipaubaya ng kontrata. Bilang karagdagan, sa ilang partikular na hurisdiksyon, puwedeng may mga legal kang karapatan bilang data subject, at hindi layunin ng aming Mga Tuntunin na limitahan ang mga naturang karapatan na hindi puwedeng ipaubaya ng kontrata.
  • Palagi naming pinapahalagahan ang iyong feedback o iba pang suhestyon tungkol sa WhatsApp at aming Mga Serbisyo, pero nauunawaan mo na wala kang obligasyong magbigay ng mga feedback o suhestyon at puwede naming gamitin ang iyong mga feedback o suhestyon nang walang anumang restriksyon o obligasyong bayaran ka pa para sa mga iyon.

Bumalik sa itaas

Pag-access sa Mga Tuntunin ng WhatsApp sa Iba't Ibang Wika

Para ma-access ang aming Mga Tuntunin sa iba pang partikular na wika, palitan ang setting ng wika ng session mo sa WhatsApp. Kung hindi available ang aming Mga Tuntunin sa pipiliin mong wika, Ingles na bersyon ang gagawin naming default.

Pakibasa ang mga sumusunod na dokumento na nagbibigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa paggamit mo ng aming Mga Serbisyo:

Patakaran sa Privacy ng WhatsApp
Patakaran sa Intelektwal na Pag-aari ng WhatsApp
Mga Alituntunin sa Brand ng WhatsApp

Bumalik sa itaas

I-download
Main Logo ng WhatsApp
Main Logo ng WhatsApp
I-download
Ano ang ginagawa namin
Mga FeatureBlogSeguridadPara sa Business
Sino kami
Tungkol sa aminMga CareerBrand CenterPrivacy
Gamitin ang WhatsApp
AndroidiPhoneMac/PCWhatsApp Web
Kailangan ng tulong?
Kontakin KamiHelp CenterMga AppMga Advisory sa Seguridad
I-download

2025 © WhatsApp LLC

Mga Tuntunin at Patakaran sa Privacy
Sitemap