Nakatuon ang WhatsApp LLC ("WhatsApp," "kami," "amin," o "namin") sa pagtulong sa mga tao at organisasyon na maprotektahan ang kanilang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari. Sumasang-ayon ang aming mga user sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ("Mga Tuntunin") sa pamamagitan ng pag-install, pag-access, o paggamit ng aming mga app, serbisyo, feature, software, o website (sama-samang tinatawag na "Mga Serbisyo"). Ipinagbabawal ng aming Mga Tuntunin ang paglabag ng mga user sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba kapag ginagamit ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang kanilang mga copyright at trademark.
Gaya ng mas detalyadong pagpapaliwanag sa aming Patakaran sa Privacy, hindi namin pinapanatili ang mga mensahe ng aming mga user sa karaniwang takbo ng pagbibigay namin ng aming Mga Serbisyo. Gayunpaman, hino-host namin ang impormasyon ng account ng aming mga user, kabilang ang profile picture, pangalan ng profile, o mensahe ng status ng aming mga user, kung magpapasya silang ilagay ang mga ito bilang bahagi ng impormasyon ng kanilang account.
Para mag-ulat ng copyright infringement at para hilingin sa WhatsApp na mag-alis ng anumang infringing content na hino-host nito (gaya ng profile picture, pangalan ng profile, o mensahe ng status ng isang user ng WhatsApp), paki-email ang isang kumpletong claim sa copyright infringement sa ip@whatsapp.com (kasama ang lahat ng impormasyong nakalista sa ibaba). Puwede ka ring mag-mail ng kumpletong claim sa copyright infringement sa copyright agent ng WhatsApp:
WhatsApp LLC
Attn: WhatsApp Copyright Agent
1601 Willow Road
Menlo Park, California 94025
United States of America
ip@whatsapp.com
Bago ka mag-ulat ng claim ng copyright infringement, baka gusto mong magpadala muna ng mensahe sa nauugnay na user ng WhatsApp na sa tingin mo ay nag-i-infringe sa copyright mo. Baka malutas ninyo ang isyu nang hindi na nakikipag-ugnayan sa WhatsApp.
Para mag-ulat ng trademark infringement at para hilingin sa WhatsApp na mag-alis ng anumang infringing content na hino-host nito, paki-email ang isang kumpletong trademark infringement claim sa ip@whatsapp.com (kasama ang lahat ng impormasyong nakalista sa ibaba).
Bago ka mag-ulat ng claim ng trademark infringement, baka gusto mong magpadala muna ng mensahe sa nauugnay na user ng WhatsApp na sa tingin mo ay nag-i-infringe sa trademark mo. Baka malutas ninyo ang isyu nang hindi na nakikipag-ugnayan sa WhatsApp.
Pakilagay ang lahat ng sumusunod na impormasyon kapag nag-uulat ng copyright o trademark infringement claim sa WhatsApp: