Lumaktaw papunta sa content
  • Home
  • Mga App
    • PagtawagPagme-messageMga GroupStatusMga ChannelMeta AISeguridad
  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
  • Para sa Business
I-download
Mga Tuntunin at Patakaran sa Privacy2025 © WhatsApp LLC
Pangunahing Page ng WhatsAppPangunahing Page ng WhatsApp
    • Pagtawag

      Manatiling konektado gamit ang boses at video.

    • Pagme-message

      Sabihin ito gamit ang mga sticker, boses, GIF, at marami pa.

    • Mga Group

      Mga feature sa pagme-message na kailangan mo para kumonekta sa mga group.

    • Mga Channel

      Manatiling updated sa mga topic na mahalaga sa iyo.

    • Meta AI

      Makakuha ng tulong sa kahit ano, lahat ng ito nang may kaligtasan at privacy sa WhatsApp.

    • Status

      Ibahagi ang iyong araw-araw na mga litrato, video at mga voice note.

    • Seguridad

      Mga layer ng proteksyon para tulungan kang manatiling ligtas.

  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
  • Para sa Business
  • Mga App
Mag-log inI-download

Patakaran sa Intelektwal na Pag-aari: Ang Iyong Mga Copyright at Trademark

Talaan ng mga Nilalaman

  • Copyright
  • Trademark
  • Patakaran sa Umulit na Lumalabag
  • Mga Apela

Ang WhatsApp LLC (kung nakatira ka sa UK o sa labas ng European Region) at WhatsApp Ireland Limited (kung nakatira ka sa European Region) (kapag magkakasama ay, "WhatsApp," "namin," "kami," or"amin") nakatuon sa pagtulong sa mga tao at organisasyon na protektahan ang knailang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari. Sumasang-ayon ang aming mga user sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ("Mga Tuntunin") sa pamamagitan ng pag-install, pag-access, o paggamit ng aming mga app, serbisyo, feature, software, o website (sama-samang tinatawag na "Mga Serbisyo"). Hindi pinapayagan ng aming Mga Tuntunin ang paglabag ng mga user sa intellectual property rights ng ibang tao kapag ginagamit ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang kanilang mga copyright at trademark.

Gaya ng mas detalyadong pagpapaliwanag sa aming Patakaran sa Privacy, hindi namin pinapanatili ang mga message ng aming mga user sa karaniwang takbo ng pagbibigay namin ng aming Mga Serbisyo. Gayunpaman, hino-host namin ang impormasyon ng account ng aming mga user, kabilang ang profile picture, pangalan ng profile, o mensahe ng status ng aming mga user, kung magpapasya silang ilagay ang mga ito bilang bahagi ng impormasyon ng kanilang account, pati rin ang content sa Mga Channel.

Bumalik sa itaas

Copyright

Ang copyright ay isang legal na karapatan na hinahangad na protektahan ang mga orihinal na gawa ng may-akda (halimbawa: mga libro, musika, pelikula, sining). Sa pangakalahatan, pinoprotektahan ng copyright ang orihinal na pagpapahayag tulad ng mga salita o larawan. Hindi nito pinoprotektahan ang mga katunayan at ideya, bagaman posible nitong protektahan ang mga orihinal na salita o larawan na ginamit para ilarawan ang isang ideya. Hindi rin pinoprotektahan ng copyright ang mga bagay tulad ng mga pangalan, pamagat at mga slogan; gayunpaman, ang isa pang legal na karapatan na tinatawag na trademark ay maaaring protektahan ang mga iyon.

Kung naniniwala kang nilalabag ng content sa WhatsApp ang iyong may copyright work, maaari mo itong i-report sa pamamagitan ng pagsagot sa contact form.

WhatsApp LLC

Attn: WhatsApp Copyright Agent

1 Meta Way,

Menlo Park, CA 94025

United States of America

Bago ka mag-report ng claim ng copyright infringement, baka gusto mong magpadala ng message sa nauugnay na user ng WhatsApp na sa tingin mo lumalabag sa iyong copyright. Maaari mong malutas nang direkta ang isyu sa kanila.

Bumalik sa itaas

Trademark

Ang trademark ay isang salita, slogan, simbolo o disenyo (halimbawa: brand name, logo) na kumikilala sa kaibahan ng mga produkto o serbisyong ibinibigay ng isang tao, grupo o kumpanya mula sa isa pa. Sa pangkalahatan, hinahangad ng batas sa trademark na iwasan ang pagkalito sa mga consumer tungkol sa kung sino ang nagbibigay ng o nauugnay sa isang produkto o serbisyo.

Kung naniniwala kang nilalabag ng content sa WhatsApp ang iyong may trademark work, maaari mo itong i-report sa pamamagitan ng pagsagot sa contact form.

Bago ka mag-report ng claim ng trademark infringement, baka gusto mong magpadala muna ng message sa nauugnay na user ng WhatsApp na sa tingin mo ay lumalabag sa trademark mo. Maaari mong malutas nang direkta ang isyu sa kanila.

Bumalik sa itaas

Patakaran sa umulit na lumalabag sa intelektwal na pag-aari

Kung paulit-ulit na magpo-post ang isang tao ng content na lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari, maaaring mangyari ang mga sumusunod:

  • Maaaring ma-ban ang kanilang Account. Alamin pa rito ang tungkol sa mga ban sa account.
  • Posibleng suspindihin ang kanilang Channel. Alamin pa rito ang tungkol sa mga aksyon na posible naming gawin.

Kung babawiin ang alinman sa mga aksyon na gagawin namin dahil sa isang apela o dahil binawi ng rights owner ang kanyang report, isasaalang-alang namin iyon sa ilalim ng aming patakaran sa umulit na lumalabag.

Bumalik sa itaas

Mga Apela

Kung inalis namin ang iyong content mula sa iyong Channel dahil sa report ng intellectual property, at naniniwala ka na dapat hindi ito ginawa pwede kang mag-submit ng apela.



Para iapela ang ginawang aksyon sa intellectual property sa iyong Channel, i-tap ang mga channel alert sa banner o i-tap ang pangalan ng iyong channel > channel alerts.

Bumalik sa itaas

I-download
Main Logo ng WhatsApp
Main Logo ng WhatsApp
I-download
Ano ang ginagawa namin
Mga FeatureBlogSeguridadPara sa Business
Sino kami
Tungkol sa aminMga CareerBrand CenterPrivacy
Gamitin ang WhatsApp
AndroidiPhoneMac/PCWhatsApp Web
Kailangan ng tulong?
Kontakin KamiHelp CenterMga AppMga Advisory sa Seguridad
I-download

2025 © WhatsApp LLC

Mga Tuntunin at Patakaran sa PrivacySitemap