Lumaktaw papunta sa content
  • Home
    • Mag-message nang pribadoManatiling konektadoKumonekta sa mga groupI-express ang sarili moLigtas ayon sa disenyoIbahagi ang araw-araw moI-follow ang mga channel
  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
  • Para sa Business
  • I-download
I-download
Mga Tuntunin at Patakaran sa Privacy2025 © WhatsApp LLC
Pangunahing Page ng WhatsAppPangunahing Page ng WhatsApp
    • Mag-message nang pribado

      Magkabilaang encryption at mga kontrol sa privacy.

    • Manatiling konektado

      Magpadala ng message at tumawag nang libre* sa buong mundo.

    • Kumonekta sa mga group

      Pinadaling group messaging.

    • I-express ang sarili mo

      Sabihin ito gamit ang mga sticker, boses, GIF, at marami pa.

    • Ligtas ayon sa disenyo

      May mga layer ng proteksyon para tulungan kang manatiling ligtas

    • Ibahagi ang araw-araw mo

      Mag-share ng mga litrato, video, voice note sa Status

    • I-follow ang mga channel

      Manatiling updated sa mga topic na mahalaga sa iyo

  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
  • Para sa Business
  • Mga App
Mag-log inI-download

Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo para sa Mga Channel sa WhatsApp

Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Mayo 25, 2023

Ang WhatsApp Channels ay isa sa “Mga Serbisyo” na ibinibigay sa iyo ng WhatsApp. Itong Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo para sa Channels (ang “Mga Karagdagang Tuntunin”) ay dagdag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp, at kapag magkakasama, ang mga ito ay naaangkop sa paggamit mo ng Channels. Mangingibabaw ang mga tuntunin at kondisyon ng Mga Karagdagang Tuntunin at gagamitin sa paggamit mo ng Channels. Walang kahit na ano sa Mga Karagdagang Tuntuning ito ang naglilimita sa anumang karapatan namin sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp o anumang karagdagang tuntunin o patakarang binabanggit ng mga ito.

Ang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp Channels ay dagdag sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp at ipinapaliwanag nito kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at shine-share ang impormasyon kapag gumamit ka ng Channels. Anumang oras ay puwede ka ring pumunta sa mga setting mo para tingnan ang mga opsyon mo sa privacy. Ang paggamit mo sa Channels ay hindi makakaapekto sa privacy ng mga personal mong message sa WhatsApp, na patuloy na magiging naka-encrypt nang end-to-end gaya ng inilalarawan sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp.

Tungkol sa Mga Channel sa WhatsApp

Ang Channels ay isang one-to-many broadcast service na nagbibigay-daan upang makita mo at makapag-interact ka sa mga nauukol na paksa at napapanahong update na shine-share ng iba pang mga WhatsApp user. Puwede kang gumawa ng Channel para mag-share ng mga update, na puwedeng matuklasan, ma-follow, at matingnan ng sinuman. Puwede rin kaming maglista ng Mga Channel na maaaring gusto mong i-follow batay sa iyong bansa o lokal na wika.

Legal at Katanggap-tanggap na Paggamit ng Mga Channel

Dapat mong i-access at gamitin ang Channels para lamang sa mga layuning legal, awtorisado, at katanggap-tanggap. Ang mga admin ng channel ang responsable sa content na nasa Mga Channel nila, at kailangan nilang magpanatili ng karanasang ligtas at naaangkop sa edad para sa kanilang mga follower. Hindi namin kontrolado ang mga ginagawa o sinasabi ng mga user sa Channels, at hindi kami mananagot para sa mga aksyon o gawi nila (o mga aksyon o gawi mo) (online man o offline) o content (kabilang ang content na ilegal o hindi katanggap-tanggap).

Hindi puwedeng gumawa ang mga admin ng Channel ng aktibidad na labag sa Mga Karagdagang Tuntuning ito o iba pang tuntunin at patakarang nalalapat sa paggamit mo sa aming Mga Serbisyo, kabilang ang, pero hindi limitado sa, Mga Alituntunin ng WhatsApp Channels. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Ilegal na Aktibidad
  • Aktibidad na pwedeng magdulot ng malubhang panganib sa mga tao
  • Aktibidad na hindi angkop para sa edad ng user base ng WhatsApp
  • Mapanlokong aktibidad
  • Pagre-report, Pag-aalis ng Content, at Pamamagitan

    Puwedeng mag-report ang mga user ng WhatsApp ng anumang Channel o partikular na update na posibleng labag sa kanilang mga karapatan o sa aming mga tuntunin at patakaran. Maari mong malaman ang higit pa tungkol sa kung paano mag-report at mag-block sa WhatsApp dito.

    Maaaring alisin ng WhatsApp o limitahan nito ang pagbabahagi o pag-access sa anumang content o impormasyong na-share sa Channels na labag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp, sa Mga Karagdagang Tuntuning ito, sa aming mga patakaran (kabilang ang Mga Alituntunin ng WhatsApp Channels), o kung saan namin puwede o kailangang isagawa ang mga ito ayon sa batas. Maaari rin naming alisin o paghigpitan ang access sa ilang feature, mag-disable o magsuspinde ng account, o makipag-ugnayan sa tagapagpatupad ng batas para protektahan ang aming Mga Serbisyo at aming mga user. Puwede kaming makipagtulungan sa mga third-party na service provider, kabilang ang Mga Kumpanya ng Meta, para matiyak ang security, kaligtasan, at integridad sa buong WhatsApp, alinsunod sa nakasaad sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp, at Patakaran sa Privacy ng WhatsApp.

    Nakalaan din sa WhatsApp ang karapatang wakasan ang access mo sa buong Serbisyo, alinsunod sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp. Bagama’t sinisikap naming gamitin ang aming mga patakaran sa consistent na paraan sa lahat ng hurisdiksyon, sa ilang hurisdiksyon ay posibleng may mga partikular na kinakailangan sa ilalim ng mga naaangkop na batas na nangangailangan ng magkakaibang pagpapatupad.

    Mga Lisensya

    Kailangan namin ng ilang pahintulot mula sa iyo para maibigay ang Channels. Kasama sa lisensyang ibinigay mo sa amin sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp (<Lisensya mo sa WhatsApp>) ang content na shine-share mo sa WhatsApp Channels.

    Posibleng Mabago o Maging Limitado ang Functionality

    Puwedeng mabago ang functionality at/o ang performance ng Channels sa paglipas ng panahon. Puwede kaming magpakilala ng mga bagong tampok, magpataw ng mga limitasyon, magsuspinde, mag-alis, magpalit, maglimita ng access, o mag-update ng ilang partikular na kasalukuyang feature o anumang bahagi ng Mga Channel. Puwede kaming mag-alok ng mga limitadong bersyon ng Mga Channel, at posibleng limitado ang mga tampok o naglalaman ng iba pang limitasyon ang mga bersyong ito. Kung may tampok o content na hindi na available, posibleng ma-delete o hindi na ma-access ang impormasyon, data, o content na ginawa o ibinigay mo kaugnay ng naturang tampok o content.

    Pag-update sa Mga Karagdagang Tuntuning Ito

    Maaari naming baguhin o i-update ang Mga Karagdagang Tuntuning ito. Bibigyan ka namin ng abiso ng mahahalagang pagbabago sa aming Mga Karagdagang Tuntunin, kung naaangkop, at ia-update namin ang petsang "Huling binago" sa itaas ng aming Mga Karagdagang Tuntunin. Ang patuloy mong paggamit sa aming Mga Serbisyo ang nagkukumpirma ng pagtanggap mo sa aming Mga Karagdagang Tuntunin, ayon sa kung paano ito binago. Sana ay magpatuloy ka sa paggamit ng Channels, pero kung hindi ka sumasang-ayon sa aming Mga Karagdagang Tuntunin, ayon sa kung paano ito binago, dapat mong ihinto ang paggamit sa Channels o dapat mong ihinto ang paggamit sa aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng pag-delete ng iyong account.

    I-download
    Main Logo ng WhatsApp
    Main Logo ng WhatsApp
    I-download
    Ano ang ginagawa namin
    Mga FeatureBlogSeguridadPara sa Business
    Sino kami
    Tungkol sa aminMga CareerBrand CenterPrivacy
    Gamitin ang WhatsApp
    AndroidiPhoneMac/PCWhatsApp Web
    Kailangan ng tulong?
    Kontakin KamiHelp CenterMga AppMga Advisory sa Seguridad
    I-download

    2025 © WhatsApp LLC

    Mga Tuntunin at Patakaran sa Privacy
    Sitemap