Padalhan ng mensahe ang mga kaibigan at pamilya mo nang libre*. Ginagamit ng WhatsApp ang koneskyon sa Internet ng iyong telepono para magpadala ng mga mensahe para makaiwas ka sa mga SMS fee
.
Makipag-ugnayan sa mga grupo ng tao na pinakamahalaga, tulad ng iyong pamilya o mga katrabaho. Sa mga group chat, puwede kang mag-share ng mga mensahe, litrato, at video sa hanggang 256 tao nang minsanan. Puwede mo ring pangalanan ang iyong group, i-mute o i-customize ang mga notification, at higit pa.
Sa pamamagitan ng WhatsApp sa web at desktop, seamless mong maisi-sync ang lahat ng iyong chat sa iyong computer para makapag-chat ka sa anumang device na pinakakumbenyente sa iyo. I-download ang app para sa desktop o bisitahin ang web.whatsapp.com para magsimula
Sa pamamagitan ng mga voice call, puwede mong makausap ang mga kaibigan at pamilya mo nang libre*, kahit pa nasa ibang bansa sila. At sa pamamagitan ng mga libreng* video call, magagawa mo ang face-to-face na pag-uusap kapag hindi sapat ang boses o text. Ginagamit ng WhatsApp voice at video calls ang koneksyon sa Internet ng iyong telepono, sa halip na ang load ng iyong cellphone, kaya hindi ka dapat mag-alala tungkol sa mahal na mga singil sa pagtawag.
Nakabahagi sa WhatsApp ang ilan sa iyong pinakapersonal na moment, kaya naman binuo namin ang magkabilaang encryption sa mga pinakabagong bersyon ng aming app. Kapag encrypted nang magkabilaan, secured ang iyong mga mensahe at call para ikaw lang at ang kausap mo ang makakabasa o makakarinig sa mga ito, at wala nang iba pa, kahit na ang WhatsApp.
Magpadala ng mga litrato at video sa WhatsApp kaagad-agad. Puwede mo pang makuha ang mga moment na pinakamahalaga sa iyo sa pamamagitan ng built-in na camera. Sa pamamagitan ng WhatsApp, mabilis na naipapadala ang mga litrato at video kahit pa mabagal ang internet mo.
Kung minsan, sa boses mo pa lang ay malalaman na ang lahat. Sa isang tap lang, puwede kang mag-record ng Voice Message, tamang-tama para sa isang mabilis na hello o mas mahabang kuwento.
Magpadala ng mga PDF, dokumento, spreadsheet, slideshow, at marami pa, nang hindi gumagamit ng email o mga app sa pagbabahagi. Puwede kang magpadala ng mga dokumento na hanggang 100 MB, kaya madaling maipadala ang gusto mo sa kaninuman.