Mga Text
Simple at Maaasahang Pakikipag-ugnayan
Padalhan ng mensahe ang mga kabigan at kapamilya nang libre*. Gumagamit ang WhatsApp ng Internet sa iyong phone para magpadala ng mensahe at maiwasan ang bayarin sa SMS.
Group Chat
Mga grupo para makipagbalitaan
Makipagbalitaan sa mga grupong mahalaga sa'yo, gaya ng mga kapamilya o katrabaho. Sa group chat, pwede kang mag-share ng mga mensahe, litrato, at mga video hanggang sa 256 na tao nang sabay-sabay. Pwede mo ring pangalanan ang iyong grupo, i-mute o i-customize ang mga notification, at marami pang iba.
WhatsApp para sa Web at Desktop
Tuloy-tuloy ang Usapan
Dahil may WhatsApp sa web at desktop, maaari mong i-sync ang lahat ng chat sa iyong computer kaya pwede kang makipag-chat gamit ang anumang device na madali para sa'yo. I-download ang desktop app o puntahan ang web.whatsapp.com para makapagsimula.
WhatsApp Voice at Mga Video Call
Malayang Mag-usap
Sa voice call, makakausap mo ang iyong mga kaibigan at kapamilya nang libre*, kahit na nasa ibang bansa sila. At sa mga libreng* video call, makikita mo ang kausap mo kapag hindi sapat ang tawag o text lang. Ang WhatsApp voice at video call ay gumagamit ng koneksyon sa Internet sa halip na voice minutes ng inyong cell plan, kaya hindi na dapat mag-alala pa sa mamahaling singilin sa pagtawag.
Magkabilaang encryption
Default na Security
Ang ilan sa inyong mahahalagang sandali ay nakabahagi sa WhatsApp, kaya kami naman ay bumuo ng magkabilaang encryption sa pinakabagong bersyon ng aming app. Kapag encrypted nang magkabilaan, ang inyong mga mensahe at tawag ay protektado: ikaw at ang inyong kaugnay lang ang makakabasa o makakaintindi ng mga mensahe at tawag, at walang sinoman sa pagitan, kahit pa ang WhatsApp.
Mga Litrato at Video
I-share ang Mahahalagang Sandali
Magpadala ng litrato at video nang agaran gamit ang WhatsApp. Maglitrato ng mahahalagang sandali gamit ang built-in camera. Sa WhatsApp, mabilis ang pagpapadala ng litrato at video kahit na mabagal ang koneksyon sa Internet.
Mga Voice Message
Sabihin Kung Ano ang Nasa Isip Mo
Minsan, boses mo pa lang kumpleto na ang kwento. Isang tap lang pwede ka nang mag-record ng Voice Message, perpekto para sa mabilis na hello o mahabang kwento.
Mga Dokumento
Mas Pinadaling Pagbabahagi ng Dokumento
Magpadala ng mga PDF, dokumento, spreadsheet, slideshow atbp, nang walang abala ng email o file sharing apps. Maaari kang magpadala ng dokumento hanggang 100 MB, kaya madaling makuha ang anumang kailangan mula kanino man.