Paano ka matutulungan ng WhatsApp na manatiling konektado sa panahon ng coronavirus (COVID-19) pandemic
Tinutulungan ka ng WhatsApp na makipag-ugnayan sa mga pinakamahalaga sa iyo. Narito ang ilang paraan na magagamit mo ang WhatsApp para bantayan ang mga kaibigan at pamilya, manatiling nalalaman ang pinakabagong opisyal na impormasyon sa kalusugan, at responsableng magbahagi ng impormasyon. Kung bago ka sa WhatsApp o kailangan mo lang ng refresher, narito ang hakbang-hakbang na gabay sa kung paano magsimula.
Makipag-ugnayan nang malayuan
Gamitin ang mga feature ng WhatsApp, tulad ng mga group, voice, at video call para manatiling konektado at magbigay ng suporta sa mga mahal sa buhay kahit na wala kayo sa parehong lugar.
Pumili ng maaasahang mga mapagkukunan ng impormasyon
Makipag-ugnayan sa lokal, pambansa at pandaigdigang mga organisasyon. Sumangguni sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan, tulad ng World Health Organization o ang ministry ng kalusugan ng iyong bansa, para sa pinakabagong impormasyon at mga alituntunin.
Tumulong na pigilan ang pagkalat ng mga tsismis
Pag-isipan ang mga message na natatanggap mo, dahil hindi lahat ng natatanggap mo na tungkol sa coronavirus ay tama. I-verify ang impormasyon sa pamamagitan ng iba pang mapagkakatiwalaang opisyal na source, fact checker, o sa pamamagitan ng fact checking chatbot ng International Fact-Checking Network (IFCN) sa +1 (727) 2912606. Kung hindi ka sigurado kung tama ang isang bagay, huwag itong ipasa.
Mga Pinuno ng Komunidad
Nakatuon kami sa pagbibigay ng suporta sa mga pinuno ng komunidad habang tumutugon ka sa hamon na ito. Alamin kung paano mo magagamit ang WhatsApp para magbigay ng kaalaman at manatiling konektado sa iyong komunidad habang nababahala ang mga tao sa coronavirus.
Tingnan kung paano ginagamit ng mga tao ang WhatsApp para makipag-ugnayan sa kanilang mga komunidad sa mahirap na panahong ito:
Sa Pakistan, nakalikom ang isang WhatsApp group ng Rs21 milyon para suportahan ang mga pinakabulnerable sa bansa para makaiwas sa paglubog sa kahirapan: Basahin ang article dito >
Ipinagpapatuloy ng mga paaralang elementarya sa Naples, Italy ang pagtuturo sa kabila ng mga pagsasara gamit ang WhatsApp para maghatid ng mga assignment sa mga pamilya: Basahin ang article dito >
Ginagamit ng isang lalaki sa Hong Kong ang WhatsApp para pagalawin ang komunidad sa pagsuporta sa mga lokal na business: Basahin ang article dito >
Gumagamit ng WhatsApp ang isang employment empowerment program sa Jordan para manatiling motivated ang mga kababaihan sa paghahanap ng mga trabaho sa pagtama ng Coronavirus: Basahin ang article dito >
Gumawa ng WhatsApp group ang mga medikal na propesyonal sa Paris para makakuha ng mga pinakabagong update tungkol sa mga kapasidad sa ospital: Basahin ang article dito >
Nagbabahagi ng mga video lesson sa mga magulang ang mga guro sa mga refugee camp sa Syria gamit ang WhatsApp: Basahin ang article dito >
Gumagamit ng mga WhatsApp group ang mga survivor ng slavery sa India para magsulong ng kaalaman tungkol sa coronavirus sa kanilang mga kasamahan: Basahin ang article dito >
Nag-iiskedyul ng mga appointment at nagtatanong ang mga pasyente sa Florianópolis, Brazil gamit ang WhatsApp: Basahin ang article dito >