Lumaktaw papunta sa content
  • Home
    • Mag-message nang pribadoManatiling konektadoBumuo ng komunidadI-express ang sarili moWhatsApp for business
  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
  • Para sa Business
Mag-download
Mga Tuntunin at Patakaran sa Privacy2023 © WhatsApp LLC
Pangunahing Page ng WhatsAppPangunahing Page ng WhatsApp
    • Mag-message nang pribado

      Magkabilaang encryption at mga kontrol sa privacy.

    • Manatiling konektado

      Magpadala ng mensahe at tumawag nang libre* sa buong mundo.

    • Bumuo ng komunidad

      Pinasimple ang mga group conversation.

    • I-express ang sarili mo

      Sabihin ito gamit ang mga sticker, boses, GIF, at marami pa.

    • WhatsApp business

      Abutin ang mga customer mo kahit saan man sa mundo.

  • Privacy
  • Help Center
  • Blog
  • Para sa Business
WhatsApp WebI-download

Paano magsimula sa WhatsApp Business app

I-download at i-set up ang WhatsApp Business app

1. I-download at i-launch ang WhatsApp Business app: Libreng i-download ang WhatsApp Business sa Google Play Store at sa Apple App Store. I-tap ang WhatsApp Business icon sa iyong home screen.

2. I-review ang mga Tuntunin ng Serbisyo: Basahin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp Business, pagkatapos ay i-tap ang Sumang-ayon at Magpatuloy para tanggapin ang mga tuntunin.

3. Mag-register: Piliin ang iyong bansa mula sa drop-down list para idagdag ang iyong country code, pagkatapos ay ilagay ang phone number mo sa international format ng phone number. I-tap ang Tapos na o Susunod, pagkatapos ay i-tap ang Ok para matanggap ang iyong 6-digit registration code sa pamamagitan ng SMS o tawag sa telepono. Para kumpletuhin ang pagpaparehistro, ilagay ang iyong 6 na digit na code. Alamin kung paano i-register ang numero ng iyong telepono sa article na ito.

4. Payagan ang access sa mga contact at litrato: Puwedeng idagdag sa WhatsApp ang iyong mga contact mula sa address book ng telepono mo. Puwede mo ring payagan ang access sa mga litrato, video, at file sa iyong telepono.

5. Gumawa ng account: Ilagay ang pangalan ng business mo, pumili ng kategorya ng iyong business, at pumili ng litrato sa profile.

6. Bumuo ng profile ng iyong negosyo: I-tap ang I-EXPLORE > Business profile. Dito, makakapagdagdag ka ng mahahalagang impormasyon ng negosyo gaya ng address ng negosyo mo, paglalarawan, mga oras, at higit pa.

7. Magsimula ng chat. Naka-set up na ngayon ang iyong business profile. I-tap ang o , pagkatapos ay hanapin o piliin ang contact na ime-message. Maglagay ng mensahe sa field ng text. Pagkatapos, i-tap ang o .

I-explore ang Mga Tool ng WhatsApp Business

May ilang tool ang WhatsApp Business app para makatulong na mapatakbo ang iyong business sa epektibong paraan. Para i-explore ang mga tool na ito, pumunta sa screen ng mga chat mo. I-tap ang Higit pang Opsyonsa Android o Mga Setting sa iPhone. Pagkatapos, i-tap ang Mga tool sa negosyo.

  • Catalog: Ipakita at ibahagi ang iyong mga produkto at serbisyo sa iyong business account. Alamin kung paano gumawa ng catalog sa Android o iPhone.
  • Short link: Gawing madali sa mga bagong customer na makipag-ugnayan sa iyo. Ibahagi ang auto-generated short link sa mga bagong customer para bigyang-daan silang magpadala ng mensahe ang iyong business. Alamin kung paano gamitin ang mga short link sa Android o iPhone.
  • Mga tool sa pagme-message: Gamitin ang mga template ng message ng WhatsApp para gumawa ng mga key conversation nang maaga. Gumawa ng mga automatikong mensahe ng pagbati para makipag-ugnayan sa mga bagong customer. Magtakda ng mga wala-rito na mensahe para ipaalam sa mga customer kung kailan ka babalik, o bumuo ng maiikling sagot para sagutin ang mga madalas itanong. Para sa higit pang impormasyon sa mga tool sa pagmemensahe, basahin ang mga sumusunod na article:
    • Paano gumamit ng mga mensahe ng pagbati sa Android o iPhone
    • Paano gumamit ng mga wala-rito na mensahe sa Android o iPhone
    • Paano gumamit ng mga mabilis na tugon sa Android o iPhone
  • Mga label: Isaayos ang iyong mga pakikipag-usap sa mga customer sa kapaki-pakinabang na mga kategorya, tulad ng “Mga bagong customer” o “Mga naka-pending na order.” Alamin kung paano gumamit ng mga label sa Android o iPhone.
Mag-download
Main Logo ng WhatsApp
Main Logo ng WhatsAppMag-download
Ano ang ginagawa naminMga FeatureBlogSeguridadPara sa Business
Sino kamiTungkol sa aminMga CareerBrand CenterPrivacy
Gamitin ang WhatsAppAndroidiPhoneMac/PCWhatsApp Web
Kailangan ng tulong?Kontakin KamiHelp CenterCoronavirusMga Advisory sa Seguridad
Mag-download

2023 © WhatsApp LLC

Mga Tuntunin at Patakaran sa Privacy