Kinakailangang tumanggap at mangolekta ang WhatsApp ng ilang impormasyon para patakbuhin, ibigay, mapahusay, maunawaan, ma-customize, masuportahan, at ma-market ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang pag-install, pag-access, at paggamit mo sa aming Mga Serbisyo sa Business.
Ang mga uri ng impormasyong tatanggapin at kokolektahin namin ay nakadepende sa kung paano mo ginagamit ang aming Mga Serbisyo sa Business. Nangangailangan kami ng ilang partikular na impormasyon para maihatid ang aming Mga Serbisyo sa Business, at kung wala ang mga ito, hindi namin maibibigay sa iyo ang Mga Serbisyo sa Business. Kasama sa impormasyong kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo, impormasyong awtomatikong kinokolekta, at impormasyon ng third-party.
Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami (alinsunod sa mga opsyong pipiliin mo at sa naaangkop na batas) para patakbuhin, ibigay, mapaganda, unawain, i-customize, suportahan, at i-market ang aming Mga Serbisyo sa Business.
Ibinabahagi mo ang iyong impormasyon habang ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo sa Business at nakikipag-usap ka gamit ang mga ito, at ibinabahagi namin ang iyong impormasyon para tulungan kaming paganahin, ibigay, mapahusay, ma-customize, masuportahan, at ma-market ang aming Mga Serbisyo sa Business.
Para alamin pa kung ano ang impormasyong kinokolekta namin, at kung paano namin ito ginagamit at sine-share, pakibasa ang
Patakaran sa Privacy ng WhatsApp Business App.