Mas maraming magagawa nang sama-sama sa WhatsApp Calling
Sa pag-share ng screen, pag-schedule ng tawag, at mga pag-link ng tawag,
mas madali na ang pagkonekta at pakikipag-collaborate.
Manatiling malapit sa mga taong mahalaga sa iyo sa libre*, maaasahan at pribadong voice at video calling sa iOS at Android na mga device sa iba't ibang bansa.
* Maaaring may data charges. Kontakin ang iyong provider para sa mga detalye.
Sa pag-share ng screen, pag-schedule ng tawag, at mga pag-link ng tawag,
mas madali na ang pagkonekta at pakikipag-collaborate.
Makibalita sa mga kaibigan at kapamilya mo sa voice call, o mag-usap nang face-to-face sa pamamagitan ng mga one-on-one at group video call—palaging libre* at unlimited ang mga ito.
*kapag tumawag ka gamit ang WiFi o data package
Sama-samang magplano at maging creative sa pamamagitan ng shared screen sa mga video call.
Gumawa ng Event para makapag-set up ng oras ng meeting na puwede para sa schedule ng lahat—para walang maka-miss out.
Imbitahan ang sinuman sa WhatsApp na sumali sa tawag mo sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng call link.
Mga audio hangout para sa lahat ng laki ng group. Ito man ay makapigil-hiningang football game, hindi masagutan ang homework problem o magbabahagi ng malaking balita, minsan kailangan mo lang itong sabihin sa sinumang available sa iyong group chat.
Pinapayagan ka ng voice calling na tawagan ang mga contact mo gamit ang WhatsApp nang libre, kahit na nasa ibang bansa sila. Ginagamit ng voice calling ang koneksyon sa internet ng iyong telepono sa halip na mga minuto ng iyong mobile plan. * Maaaring may data charges. Para magsimula ng tawag, buksan ang group chat na gusto mong gumawa ng tawag at i-click ang icon ng telepono para simulan ang iyong tawag. Pwede ka ring pumili ng mga contact sa labas ng iyong dati nang mga group chat mula sa Calls Tab.
Pinapayagan ka ng video calling na makipag-video call sa iyong mga contact gamit ang WhatsApp. Para magsimula ng tawag, buksan ang group chat na gusto mong gumawa ng tawag at i-click ang video icon para simulan ang iyong tawag. Pwede ka ring pumili ng mga contact sa labas ng iyong dati nang mga group chat mula sa Calls Tab.
Pinapayagan ng pag-share ng screen ang mga tao na i-share nang real time kung ano ang nasa kanilang screen. Ikaw dapat ay nasa video call para i-share ang iyong screen. I-tap ang Higit Pang Opsyon (tatlong vertical dot) sa mga video control at pagkatapos ay i-tap ang Share screen. Magpapakita ang telepono mo ng prompt na nagsasabing magsisimula kang mag-record gamit ang WhatsApp.
Pwede kang gumawa ng mga event sa mga indibiduwal at group chat para tumulong na i-organize ang mga gathering at manatiling konektado. Ang mga event ay mayroong kapaki-pakinabang na impormasyon na madaling maa-access ng mga tao. Para gumawa ng event, Buksan ang iyong indibiduwal o group chat at i-click ang Add (plus sign) > Event.
Ang naka-link na mga device ay nagbibigay ng maaasahan, secure na paraan para ma-access ang WhatsApp mula sa kahit alinman sa iyong mga device. Maaari kang manatiling konektado sa pamamagitan ng pag-link ng hanggang apat na device sa isang pagkakataon sa iyong pangunahing telepono. Kakailanganin mo pa rin ang iyong pangunahing telepono para i-register ang WhatsApp account mo at mag-link ng mga bagong device.