Libreng i-download ang WhatsApp Business at binuo para sa may-ari ng maliit na negosyo. Pinapadali ng app na personal na makakonekta sa iyong mga customer, i-highlight ang mga produkto at serbisyo mo, at sagutin ang kanilang mga tanong sa kabuuan ng kanilang shopping experience. Gumawa ng catalog para ipakita ang mga produkto at serbisyo mo at gumamit ng mga special tool para i-automate, i-sort, at mabilis na sagutin ang mga message.
Makakatulong din ang WhatsApp sa mga katamtaman at malaking negosyo para magbigay ng customer support at maghatid ng mahahalagang abiso sa mga customer. Alamin pa ang tungkol sa WhatsApp Business API.
Gumawa ng business profile nang may kapaki-pakinabang na impormasyon para sa mga customer mo tulad ng iyong address, deskripsyon ng negosyo, email address, at website.
Binibigyang-daan ka ng mga mabilis na tugon na i-save at gamitin ulit ang mga mensahe na madalas mong ipinapadala para madali kang makasagot sa mga karaniwang tanong.
Ayusin ang mga contact o chat mo gamit ang mga label, para madali mong mahanap ulit ang mga ito.
Gumawa ng wala-rito na mensahe kapag hindi mo magagawang sumagot para malaman ng mga customer mo kung kailan makakaasa ng sagot. Puwede ka ring gumawa ng mensahe ng pagbati para ipakilala ang mga customer mo sa iyong negosyo.