Mahigit 2 bilyong tao sa mahigit 180 bansa ang gumagamit ng WhatsApp1 para makausap ang kanilang mga kapamilya at kamag-anak, saanman at kailanman. Libre2 ang WhatsApp at mayroon itong simple, secure, at reliable na messaging at pagtawag, at available ito sa mga phone sa buong mundo.
1 Tama, ang pangalang WhatsApp ay isang pun sa pariralang What's Up.
2 Maaaring may singil sa data.
Nagsimula ang WhatsApp bilang alternatibo sa SMS. Nakakasuporta na ang aming produkto ng pagpapadala at pagtanggap ng iba't ibang media: mga text, larawan, video, dokumento, at lokasyon, pati na mga voice call. Ang ilan sa mga pinakapersonal mong sandali ay naibabahagi sa WhatsApp, kaya naman nilagyan namin ng magkabilaang encryption ang aming app. Sa likod ng bawat desisyon sa produkto ay ang kagustuhan naming makapag-usap ang mga tao saanman sa mundo nang walang hadlang.
Ang WhatsApp ay itinatag nina Jan Koum at Brian Acton na dating nagtrabaho nang mahigit 20 pinagsamang taon sa Yahoo. Sumama ang WhatsApp sa Facebook noong 2014, pero nagpatuloy itong mag-operate bilang nakabukod na app na naka-focus sa pagbubuo ng messaging service na gumagana nang mabilis at maaasahan, saanmang panig ng mundo.