Simple. Secure.
Maaasahang pagmemensahe.
Sa WhatsApp, mayroon kang mabilis, simple, at secure na messaging at pagtawag na libre*, at magagamit sa phone saanmang panig ng mundo.
Sa WhatsApp, mayroon kang mabilis, simple, at secure na messaging at pagtawag na libre*, at magagamit sa phone saanmang panig ng mundo.
Ang WhatsApp Business ay isang app na mada-download nang libre na ginawa para sa mga may-ari ng maliit na negosyo. Gumawa ng catalog para ipakita ang mga produkto at serbisyo mo. Kumonekta nang madali sa mga customer mo sa pamamagitan ng paggamit ng mga tool sa pag-automate, pag-aayos, at mabilis na pagsagot sa mga mensahe.
Makakatulong din ang WhatsApp sa mga katamtaman at malaking negosyo para magbigay ng customer support at maghatid ng mahahalagang abiso sa mga customer. Alamin pa ang tungkol sa WhatsApp Business API.
Ang ilan sa inyong mahahalagang sandali ay nakabahagi sa WhatsApp, kaya kami naman ay bumuo ng magkabilaang encryption sa pinakabagong bersyon ng aming app. Kapag encrypted nang magkabilaan, ang inyong mga mensahe at tawag ay protektado: ikaw at ang inyong kaugnay lang ang makakabasa o makakaintindi ng mga mensahe at tawag, at walang sinoman sa pagitan, kahit pa ang WhatsApp.