Simple, Walang Panganib.
Maaasahang pang-mensahe.
Sa WhatsApp, mayroon kang mabilis, simple, walang panganib na pangmensahe at pangtawag na libre*, at magagamit sa phone alin mang bahagi ng mundo.
Ang WhatsApp Business ay app na libreng i-download, at binuo para sa mga may-ari ng mga maliliit na business. Bumuo ng katalog upang ipakita ang mga produkto at mga serbisyo. Makipag-ugnayan sa inyong mga customers nang mas epektibo sa pamamagitan ng mga tools na may kakayanang gawing automatiko, magbukod, at tumugon nang mabilis sa mga mensahe.
Ang WhatsApp ay may kakayanan ding tumulong sa mga katamtaman at malalaking business na magbigay ng customer support at magpadala ng mahahalagang abiso sa mga customer. Alamin pa ang tungkol sa WhatsApp Business API.
Magkabilaang encryption
Default na Security
Ang ilan sa inyong mahahalagang sandali ay nakabahagi sa WhatsApp, kaya kami naman ay bumuo ng magkabilaang encryption sa pinakabagong bersyon ng aming app. Kapag encrypted nang magkabilaan, ang inyong mga mensahe at tawag ay protektado: ikaw at ang inyong kaugnay lang ang makakabasa o makakaintindi ng mga mensahe at tawag, at walang sinoman sa pagitan, kahit pa ang WhatsApp.