Mga Text

Simple, Maaasahang Pakikipag-ugnayan

Padalhan ng mensahe ang mga kabigan at kapailya nang libre*. Ang WhatsApp ay gumagamit ng Internet sa inyong phone upang magpadala ng mensahe at maiwasan ang bayarin sa SMS.
* Maaaring may bayarin sa pag-gamit ng data. Kontakin ang inyong mobile carrier para sa mga detalye.

Group Chat

Mga Grupo upang makipag-balitaan

Makipagbalitaan sa mga grupo na mahalaga sa 'yo, gaya ng kapamilya o mga katrabaho. Sa group chat, pwede kang mag-share ng mga mensahe, litrato, at mga video hanggang sa 256 na tao nang sabay-sabay. Maari mo ding pangalanan ang inyong grupo, i-mute o i-customize ang mga abiso, at marami pang iba.
Kaibigan
Pamilya
Weekend

WhatsApp para sa Web at Desktop

Tuloy-tuloy ang Pag-uusap

Dahil may WhatsApp sa web at desktop, maaari mong i-sync ang lahat ng chats sa inyong computer kaya pwede kang makipag-chat gamit ang anumang device na madali para sa 'yo. I-download ang desktop app o puntahan ang web.whatsapp.com upang makapagsimula.

WhatsApp Voice at mga Video Call

Malayang Mag-usap

Sa voice call, kaya mo nang makipag-ugnayan sa mga kaibigan at kapamilya nang libre*, kahit sila pa ay nasa ibayong bansa. At sa libreng* video call, maaari kang makipag-usap nang harap-harapan kapag boses o text lamang ay hindi sapat. Ang WhatsApp voice at video call ay gumagamit ng koneksyon sa Internet sa halip na voice minutes ng inyong cell plan, kaya hindi na dapat mag-alala pa sa mamahaling singilin sa pagtawag.
* Maaaring may bayarin sa pag-gamit ng data. Kontakin ang inyong mobile carrier para sa mga detalye.

End-to-end encryption

Default na Security

Ang ilan sa inyong mahahalagang sandali ay nakabahagi sa WhatsApp, kaya kami naman ay bumuo ng end-to-end encryption sa pinakabagong bersyon ng aming app. Kapag end-to-end encrypted, ang inyong mga mensahe at tawag ay secured, kaya ikaw at ang inyong kaugnay lang ang makakabasa o makakaintindi ng mga ito, at walang sinoman sa pagitan, kahit pa ang WhatsApp.

Mga Litrato at Video

Ibahagi ang Mahahalagang Sandali

Magpadala ng litrato at video nang agaran gamit ang WhatsApp. Maglitrato ng mahahalagang sandali gamit ang built-in camera. Sa WhatsApp, mabilis ang pagpapadala ng litrato at video kahit na mabagal ang koneksyon sa Internet.

Mga Voice Message

Sabihin Kung Ano ang Nasa Isip Mo

Minsan, boses mo pa lang kumpleto na ang kwento. Isang tap lang pwede ka nang mag-record ng Voice Message, perpekto para sa mabilis na hello o mahabang kwento.

Mga Dokumento

Mas Pinadaling Pagbabahagi ng mga Dokumento

Magpadala ng mga PDF, dokumento, spreadsheet, slideshow atbp, nang walang abala ng email o file sharing apps. Maaari kang magpadala ng dokumento hanggang 100 MB, kaya madaling makuha ang anumang kailangan mula kanino man.